JERRY OLEA: Nagkasakit si Julie Anne San Jose dalawang araw bago ang sold-out concert niyang Julie Sings the Divas nitong nakaraang Sabado, Hulyo 20, sa The Theatre @ Solaire.
“I was really, really worried,” pag-amin ni Julie Anne.
“Sabi ko, ‘My God! Bakit ngayon pa?! Bakit ngayon pang magko-concert ako?! Puro matataas ang kanta ko!’
“And then, nagpa-check up ako sa doktor. It was a flu lang naman. Nothing serious naman siya.
“Pero thank you, Lord! Kasi, binigyan Mo ako ng ganitong klaseng talent and skill, and I want to share it to you, guys.
“Itong preparation ko for the concert, hindi siya naging madali for me.”
Palakpakan ang audience kay Julie Anne, na nagpasalamat sa mentor niya na tumulong para ma-hit ang matataas na nota.
“So, siyempre, hindi ko na sasabihin sa inyo kung paano, di ba? Anyway, eto, hindi ko matandaan exactly what age I started singing.
“Pero siguro, mga two... two and a half siguro ako noon, o siguro, mga three years old. Mga three years old siguro ako nag-start kumanta.
“And... siguro, parang second nature na rin ‘yon para sa akin. I’m really thankful for that.
“Kaya noong isinali ako ni mommy sa Popstar Kids, para lang akong naglalaro. Actually, sobrang ano lang... sobrang wala lang! Parang out of the blue lang.
“Nagmu-mall lang kami ni Mommy noon, 'tapos, may nakita kaming audition ng Popstar sa mall...”
Sa pagkakatanda ni Julie Anne ay #30 ang slip niya noon sa screening, kung saan isa sa mga hurado si Maestro Danny Tan—na musical director niya sa Solaire concert noong Sabado.
GORGY RULA: Tuwang-tuwa ang mga taga-GMA Artists Center dahil pagkatapos ng concert na iyun ni Julie Anne, sunud-sunod na raw ang mga natatanggap nilang tawag na gustong ipag-produce ng isa pang concert.
Ang isa pang ikinatuwa nila ay naitawid daw ni Julie Anne ang concert na may orchestra.
Ang UP Arco String Orchestra ang nag-accompany sa kanya at backed-up pa ng UP Concert Chorus.
Sa pagkakaalam nila, mga magagaling na singers tulad nina Regine Velasquez at Lea Salonga ang nakapag-concert na na may back-up na orchestra.
Kaya malaking achievement ito para kay Julie Anne.
Nagpapasalamat din ang Kapuso singer/actress sa mga nanood na close friends niyang inaasahang suportahan siya kagaya nina Barbie Forteza kasama si Jak Roberto, Gladys Guevarra, Chris Tiu, Sam Concepcion, Paolo Valenciano, Winwyn Marquez, Andre Paras, ang kambal na Mavy at Cassy Legazpi, Mark Bautista, Christian Bautista at mga katrabaho niya sa Sunday Pinasaya at Studio 7.
Habang kumanta si Julie Anne, panay ang kantiyaw ni Andre kay Mavy na matagal na palang may crush sa Asia’s Pop Sweetheart.
Namataan ko rin doon si Jeremy Marquez na ang pagkakaalam ko'y may crush din kay Julie Anne.
Baka sa September pa raw mapapanood sa GMA-7 ang Julie Sings the Divas.
JERRY OLEA: Mahigit dalawang oras ang concert, at pinakagusto ko roon ang pag-awit ni Julie Anne ng “Broken Vow” bilang pagpupugay kay Lara Fabian.
“Eto yung mga kanya na dapat inaawit galing sa puso at kaluluwa,” pasakalye ni Julie Anne.
Naaliw rin ako sa tribute ni Julie Anne kay Adele sa kantang “Rolling in the Deep.”
Kaya lang, mali ang spelling ng pangalan ni Adele sa LED screen—dinoble ang letrang L.
Nagpugay din si Julie Anne kina Celine Dion, Whitney Houston, Melissa Manchester, Maureen McGovern, Lady Gaga, Nicki Minaj, Ariana Grande, Jessie J, Tina Turner, Patti LaBelle, Christina Aguilera, Barbra Streisand, Pink, Andra Day, Beyonce, Loren Allred at Yolanda Adams.
Nakipag-duet si Julie Anne ng “Bohemian Rhapsody” with Arnel Pineda.
NOEL FERRER: May nakita lang ako na post ng Founding President ng SPEED na si Isah Red na nagsabing, “May napanood akong concert kagabi... kung hindi lang ako nahiya sa nagbigay ng tiket sa akin, nag-walk out na ako.
“I just realized hindi talaga siya magaling... ang layo kay Songbird at Popstar...hehehe”
Sino kaya yun?