Bea Alonzo-Gerald Anderson breakup rumors, maugong

by PEP Troika
Jul 21, 2019
PHOTO/S: @beaalonzo on Instagram

JERRY OLEA: Nagkalabuan sina Bea Alonzo at Gerald Anderson nang ipalabas ang movie ni Gerald with Pia Wurtzbach na My Perfect You (Marso 2018).

Hayun at dumalo si Bea sa premiere ng pelikulang Kusina Kings (Hulyo 2018) na pinagbidahan ng ex niyang Zanjoe Marudo.

Nagkaayos din kapagkuwan sina Bea at Gerald.

Matapos ipalabas ang pelikulang Between Maybes (Mayo 2019), na pinagbidahan nina Gerald at Julia Barretto, lumabas ang balitang break na si Julia at ang ka-love team na si Joshua Garcia.

Naispatan sina Gerald at Julia sa birthday celebration ni Rayver Cruz nitong Hulyo 20, Sabado, sa BGC.

Hulyo 21, Linggo, mahiwaga ang post ni Bea sa Instagram.

Nag-like dito si Joshua.

NOEL FERRER: Sayang at hindi kami nagkita ni Bea sa klase namin sa Ricky Lee Scriptwriting Workshop nitong Hulyo 21, Linggo.

May sakit daw ito.

In fairness to Bea, magsa-submit ito ng bagong story concept, sabi ni Ricky, at proud kami sa kanya.

Kung ano man ang pinagdaraanan ni Bea ngayon, support ang kanyang ka-batch Dos Por Dos.

Continue reading below ↓

Alam naming it will only make her stories and characters better because of the imperfect, brokenness situation!

Whatever it is, I just sent my classmate Bea a message—mahal at ipinagdarasal namin siya, at sana ay gumaling na siya agad!

GORGY RULA: Kung babalikan natin ang mga pangyayari, inamin nina Julia at Joshua na mananatiling friends na lang muna sila.

Doon lumutang ang tsismis kina Gerald at Julia.

Akala namin, bahagi lang iyon ng promo ng pelikula nila.

Ngayon lang posibleng makumpirma kapag nagsalita si Bea tungkol sa ipinost niya sa Instagram.

Pero mahirap mag-conclude, e.

Alamin pa natin kung ano ang totoong kuwento sa likod ng intrigang ito.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @beaalonzo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results