Michael V, na-touch sa suporta ng ABS-CBN exec para sa Family History

by PEP Troika
Jul 21, 2019
Michael V was touched by ABS-CBN executive Malou Santos's message of support for his latest movie, Family History.
PHOTO/S: Noel Orsal

NOEL FERRER: Masaya ang guesting ni Michael V. (Bitoy) at ng asawa niyang si Carol pati na ang co-host na si Pia Magalona nitong nakaraang Sabado ng gabi, Hulyo 20, sa radio program namin sa Radyo Inquirer.

Mga kaibigang parang pamilya na talaga ang usapan.

Of course, naging mabunga ang guesting dahil natilad-tilad ni Bitoy ang kanyang proseso bilang aktor, direktor at producer din.

Dahil alam natin ang pagpu-produce ng pelikula, masasabi nating hindi tinipid ang naturang produksyon.

Na-affirm ang ganda nito sa detalyadong good comments mula sa Cinema Evaluation Board na nagbigay ng Grade B at maraming papuri sa pelikula.

Isa sa mga highlights ng episode kagabi ay nang mag-phonepatch tribute surprise si Tita Malou Santos na dati pang bilib kay Bitoy at kinakausap na siyang mag-film project.

Nagulat si Bitoy at ang akala niya muna ay si Tita Malou Fagar ang nasa linya, at nang mag-sink in na sa kanya na ang mismong boss na nakapag-produce na ng marami hit movies ang naggu-good luck sa kanya, natahimik si Bitoy at nagpasalamat sa suporta.

Continue reading below ↓

Nangako si Tita Malou na papanoorin ang pelikula at susuportahan si Bitoy.

“Bilog ang mundo. Malay mo, makapagtrabaho tayo soon,” sabi nito.

“Let this film serve as my business card and open doors,” sabi ni Bitoy.

Sabi rin ng wife at executive producer ng Family History, with this movie, let there be no barriers.

Harinawa.

GORGY RULA: Sabi nga ni Direk Bitoy, gusto niyang mapapanood sa pelikulang dito ang tatak-Michael V.

Ano kayang tatak ito na iba sa ibang direktor?

Mapapanood na ito sa July 24.

Sana, dagdag pang promo para hindi ito matabunan ng ibang pelikula.

Sana, may ibang version ng trailer na napapanood sa GMA-7.

JERRY OLEA: “This is one of those stories na, kagaya ng sinasabi ko, categorically, drama. So, may lungkot talaga siya,” sabi ni Direk Bitoy sa mediacon ng Family History noong Hulyo 2 sa Novotel Hotel, QC.

“And yet, yung pagkaka-execute sa kanya, mapapangiti ka rin, matatawa ka rin.”

Continue reading below ↓

Sabi ni Direk Bitoy, more of a fan service ang pelikula.

“Itong project na ito, hindi ko naman ginawa para matuwa ako, kundi para matuwa yung kilala kong audience ko,” aniya.

“And at the same time, makakuha pa ng bagong audience, ma-curious, makita nila, 'tapos ma-appreciate nila at magustuhan.

“Makadagdag doon sa following natin and eventually, maging daan para makagawa pa tayo ng future projects.”

Iyong target moviegoers ng Family History, kapareho ba ng audience na nagkagusto sa music video ng “Naman” (parody niya sa “Buwan” ni Juan Karlos “JK” Labajo)?

“Hahahaha! Hopefully! Hopefully! Kasi, pag pinanood mo yung trailer, ibang-iba sa 'Naman.'

“Pero yung parody na 'Naman' na ginawa ko, kung i-analyze mo, yung touches ko, hindi nawala.

“Nilagyan ko ng layers. Nilagyan ko ng mas malalim na meaning. And yun din yung technique na ginawa ko rito sa Family History.

Continue reading below ↓

“Kung na-capture nu’n sa parody, hopefully, na-capture din dito sa movie.”

May mga umaray ba sa “Naman?”

Napahalakhak muli si Bitoy, “Hahahaha! Marami! Hahahaha! Napa-naman sila!

“Naman, e! Hahahaha!”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Michael V was touched by ABS-CBN executive Malou Santos's message of support for his latest movie, Family History.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results