Final go-see para sa BNaked 2019: The Elite Supermodel Quest, inanunsiyo na

by PEP Troika
Jul 22, 2019
PHOTO/S: Facebook

JERRY OLEA: Ikatlo at huling go-see ng BNaked 2019: The Elite Supermodel Quest sa Hulyo 25, Huwebes, 3:00-6:00 P.M. sa Presidential Suite ng Discovery Suites, 25 ADB Ave., Ortigas Center, Pasig City.

Hindi pa kumpleto ang line-up ng 15 bikini hunks at 15 bikini babes na magshu-showdown sa pagti-T-back sa Agosto 28 sa The Cove ng Okada Manila.

Ang male & female winner ay tatanggap ng P200K.

Ang male & female na first runner-up ay magkakamit ng P100K, samantalang ang second runner-up ay magtatamo ng P50K.

Walang uuwing luhaan.

Ang consolation prize ay P15K.

Ang Agent of the Year ay pagkakalooban ng P50K.

Mahigit P1M ang papremyo!

“Sa Okada rin gaganapin ang photo session at media con,” sabi ng producer na si Mr. P, na dating member ng That’s Entertainment at beterano sa pagpuprodyus ng mga concert.

Mahigpit na ipinagbabawal sa timpalak na ito ang mga nagdodroga.

Continue reading below ↓

“Ang theme ng show na ito is to be physically ang mentally fit,” pahayag ng kaibigan kong si Mr. P nang maka-chat ko nitong Linggo, Hulyo 21, via Messenger.

“To have discipline in being healthy and to be confidently sexy inside and out. We need to inspire people to be conscious about their health.”

Para sa mga detalye, makipag-alam sa cell# 0905-359-5091.

NOEL FERRER: Puwede kayang sumali rito ang kaka-eliminate pa lang na si Jerick Dolormente ng StarStruck (Season 7)?

Siya ang bagong Bukol Prince ng local showbiz, di ba, Tito Gorgy?

JERRY OLEA: Pasabog ang unang edisyon ng BNaked: The Elite Supermodel Quest na ginanap noong Hunyo 20, 2015 sa Music Museum.

Bongga ang cash prizes.

May billboard ito noon sa EDSA, na BSexy ang ginamit na title.

Ang adhikain nito, “Be fit. Be sexy. Be free. Be wealthy. Be famous.”

Payanig ang T-back showdown na bikini boys & girls sa Adam & Eve segment.

Continue reading below ↓

Hosts ng timpalak sina Carlos Agassi & Ali Forbes, at kabilang sa guests sina Boobsie Wonderland & Michael Pangilinan.

Ang nagdirek ay si Mak de Leon. Line producer si Roldan F. Castro, at supervising producer si Leklek Tumalad.

Kabilang sa mga kalahok noon ang indie actors na sina Marlon Marcia (nasa cast ng Cinemalaya 2019 official entry na Fuccbois) at Jay-L Dizon (nagbida sa I Love Dreamguyz).

GORGY RULA: Pati ba naman ito, tatalakayin pa natin?

Dahil ba si Mr. P ang producer?

Kasama ba sa line-up ng models ang pinag-uusapang bagong pag-ibig ni Mr. P?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results