Theater actor Arman Ferrer, napiling kumanta ng Pambansang Awit sa SONA ni President Duterte

by PEP Troika
Jul 22, 2019
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA: Ilang araw ring pinaghandaan ng singer at stage actor na si Arman Ferrer ang pagkanta niya ng ating Pambansang Awit sa State Of the Nation Address (SONA) ni President Rodrigo Duterte ngayong Hulyo 22, Lunes ng hapon.

Halos araw-araw raw ay nasa isip niya kung paano ang tamang pagkanta ng "Lupang Hinirang."

Hindi niya puwedeng ibirit o artehan ang pagkanta dahil itinuro raw talaga sa kanila ang tradisyonal na pagkanta ng ating Pambansang Awit.

Madalas din kasing naiimbitahan si Arman na kumanta sa ilang State visits at sa Malacañang kaya siya ang unang naisip ng Kongreso na kumanta bago magbigay ng SONA ang ating Pangulo mamaya.

Hindi na namin tinanong si Arman kung maka-Duterte ba siya at kung ano ang inaasahan niya sa SONA ng ating Pangulo mamaya.

Makikinig daw siya sa lahat na sasabihin mamaya ni President Duterte dahil hindi sila puwedeng lumabas pagkatapos niyang kumanta.

Continue reading below ↓

Mahigpit ang security, kaya limitado raw ang mga galaw sa Kongreso habang naroon pa ang Pangulo.

Sabi pa ni Arman, bilang iskolar ng bayan, kung saan nag-graduate siya ng Conservatory of Music sa UP, isa lamang ito sa puwede niyang maiambag para sa ating bayan.

Nakakatuwa nang nakausap namin si Arman sa radio program namin sa DZRH noong nakaraang linggo.

Wala siyang kaarte-arte nang hiningan namin siya ng sampol kung paano niya kakantahin ang "Lupang Hinirang."

Kinanta rin ni Arman ang "The Moon Represents My Heart" na bahagi ng Binondo: A Tsinoy Musical, at ang paboritong kanta ng magulang niyang "A Portrait of My Love."

Isa rin sa pangarap ni Arman na magkaroon ng album at sariling concert kagaya ng ilang sikat na balladeers, dahil ito rin ang inaasahan ng mga magulang niya.

“Alam nila na gusto ko talagang kumanta, kaya pinayagan nila akong mag-aral. Kaya kakanta pa rin ako nang kakanta,” pakli ni Arman.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Not once, but twice—dalawang beses aawitin ng aming pamangkin na si Arman Ferrer ang "Lupang Hinirang" ngayong araw na ito.

Katatapos lang niyang awitin ang Pambansang Awit sa Opening ng Congress ngayong umaga, at mamaya ulit, sa mismong SONA ng Pangulo.

Dahil dito ay tinatawag na si Arman na "Pambansang Mang-aawit."

Isa si Arman sa mga bida ng nagbabalik na Mabining Mandirigma ng Tanghalang Pilipino sa CCP.

Ngayon pa lang ay inihahanda na ang solo concert ni Arman, na ang gusto ay makasama sana ang idol niyang si Martin Nievera.

JERRY OLEA: Napanood kong muli si Arman sa press preview ng Binondo: A Tsinoy Musical noong Hulyo 11, Huwebes, sa The Theater @ Solaire.

Ang husay-husay niya!

Buong puso niyang ginampanan ang karakter ng Chinese scholar na si Ah Tiong.

Nawa’y lalo pang yumabong ang career ng Pambansang Mang-aawit!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results