Dennis Trillo, gagawa ulit ng pelikula sa Star Cinema

by PEP Troika
Jul 23, 2019
Dennis Trillo will co-star with Alyssa Muhlach in the upcoming Star Cinema movie A Family Ghost Story.
PHOTO/S: Jerry OLea

JERRY OLEA: Gagawa muli ng movie sa Star Cinema ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo.

Nagbida si Dennis sa pelikulang You’re Still The One (2015) katambal si Maja Salvador. Co-prod doon ang Star Cinema at Regal Films.

This time, solo na ng Star Cinema ang pelikulang gagawin ni Dennis—A Family Ghost Story.

Co-stars ni Dennis sa horror movie sina Alyssa Muhlach, Raymond Bagatsing, at Beauty Gonzalez.

Ang direktor ay si Robert “Bobby” Bonifacio.

Kuwento ito ng mag-asawang may dalawang anak, na tumira sa isang haunted house.

Sa Hulyo 29 naka-schedule ang first shooting day nito.

Oh, yes, exclusive ang contract ni Dennis sa GMA-7, pero hindi kasali roon ang movies.

NOEL FERRER: I am excited for this because Dennis has proven to be one of the best actors of his batch, and he is hailed no less than being GMA 7’s Drama King.

Continue reading below ↓

I’m sure, with this Star Cinema stint, he can reclaim his bankability as a film actor kahit paano, kahit iba rin talaga kung may followers kang gagastos para mapanood ka sa big screen at hindi lang sa libreng platforms.

Teka, kailan naman siya gagawa rin ng pelikula sa home network niya?

GORGY RULA: Sunud-sunod ang mga ginagawang pelikula ngayon ng Star Cinema na kinukuha ang Kapuso stars.

Wala sigurong konek iyon sa renewal ng franchise ng ABS-CBN? Naisip ko lang.

Kasisimula lang kasi ng 18th Congress at dapat magpa-file na sila ng renewal.

Mabibigyan kaya sila bago mag-Marso 2020?

JERRY OLEA: Closing film ng 15th Cinemalaya filmfest ang black comedy movie ni Dennis na Mina-anud.

Ipalalabas ito sa Agosto 10, Sabado, 9 P.M. sa CCP Main Theater.

The story reminds us of John Steinbeck’s novella The Pearl (1947).

Continue reading below ↓

Ayon sa direktor na si Kerwin Go, inspired ang istorya nito sa mga tunay na pangyayari noong 2009 sa Eastern Samar... nang maanod ang cocaine bricks sa dalampasigan.

Pahayag ni Direk Kerwin Go, “Being one of the poorest provinces in the country, people there lived a hand-to-mouth existence.

"The profits from the sale of cocaine enabled them to taste a little bit of a dream as they bought flatscreen TVs, gadgets, motorcycles, cars, and jewellery.

“I was there and witnessed this first hand.

"The characters in the film are all based on friends and acquaintances who gave in to the temptation of easy money.

“Some made it out with their wallets heavier, some weren’t so lucky and wound up in jail...”

Surfers na drug pushers ang papel dito nina Dennis, Jerald Napoles, at Matteo Guidicelli.

Sa Agosto 21 ang umpisa ng commercial run nito.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Trillo will co-star with Alyssa Muhlach in the upcoming Star Cinema movie A Family Ghost Story.
PHOTO/S: Jerry OLea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results