Bayani Agbayani, ayaw mag-react sa matalas na pahayag ni Phillip Salvador laban sa Duterte critics

by PEP Troika
Jul 24, 2019
Todo-iwas si Bayani Agbayani (kaliwa) nang hingan ng reaksiyon sa pinakawalang salita ni Phillip Salvador (kanang larawan, kasama si Robin Padilla) laban sa Duterte critics.
PHOTO/S: Noel Orsal / Twitter

GORGY RULA: Masayang-masaya si Bayani Agbayani nang magkasalubong kami sa birthday party ng kaibigan naming si Mr. Dody Arcaya ng Dickies Philippines nitong Hulyo 23, Martes ng gabi, sa Oriental Palace, Quezon City.

Naka-barong pa siya dahil kagagaling lang niya ng Golden Dove Awards kung saan nanalo siya uli bilang Best Comedy Actor para sa sitcom niyang Funny Ka, Pare Ko.

Continue reading below ↓

Hinatak ko siya sandali para hingan ng pahayag kaugnay sa interview kay Phillip Salvador sa red carpet ng SONA noong Lunes, July 22.

Maanghang na sabi ni Phillip sa mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte: "Mamatay kayong lahat!"

Magkakasama sina Bayani, Phillip, at Robin Padilla na dumating sa SONA, pero nauna si Bayani at naghintay lang siya sa malayo.

Hindi siya sumali sa interview sa red carpet.

Nang hingan ko si Bayani ng reaksiyon tungkol sa napakatalas na pahayag ni Phillip laban sa mga tumutuligsa kay Pangulong Duterte, bumitaw siya sa pagkakahawak sa akin.

“Basta, masaya po ako, nanalo uli ako sa Golden Dove,” nakangiti niyang sagot sa akin.

Kinulit ko uli tungkol sa negatibong buwelta sa pahayag ni Phillip, inulit lang niya ang sagot na nagpapasalamat siya sa Golden Dove Awards.

Straight na tatlong taon nang nanalong Best Comedy Actor si Bayani sa naturang award-giving body, kaya paulit-ulit siyang nagpapasalamat.

Continue reading below ↓

Kahit anong pilit ko sa kanya, ayaw niyang magsalita tungkol sa kontrobersiyal na patutsada ni Phillip.

Pero isang kaibigan ang nasabihan niyang nabanggit daw ni Bayani na mabuti na lang at wala siya roon sa interview.

Umiiwas kasi talaga ang komedyante kapag tungkol sa politics ang usapan.

JERRY OLEA: Kung nabubuhay pa si Direktor Lino Brocka, ano kaya ang reaksiyon niya sa pasaring ni Kuya Ipe sa mga tumutuligsa kay Pangulong Duterte?

“Mamatay kayong lahat!!!”

Hmmnn... makaapekto kaya ang political views ni Kuya Ipe sa pelikulang Isa Pang Bahaghari na ididirek ni Joel Lamangan?

NOEL FERRER: Aabangan ko kung paano ang magiging dynamics ng shooting ni Phillip with Direk Joel sa Isa Pang Bahaghari, at kung paano maghalo ang kanilang politika.

Sino kaya ang magsisisi at sino ang magpapasensiya?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Todo-iwas si Bayani Agbayani (kaliwa) nang hingan ng reaksiyon sa pinakawalang salita ni Phillip Salvador (kanang larawan, kasama si Robin Padilla) laban sa Duterte critics.
PHOTO/S: Noel Orsal / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results