Derek Ramsay o Ian Veneracion bilang leading man ni Kris Aquino?

by PEP Troika
Jul 24, 2019
Totoo ba na si Ian Veneracion (kanan) ang kinukuhang kapalit ni Derek Ramsay (kaliwa) para sa MMFF 2019 movie na (K)Ampon?
PHOTO/S: Instagram

NOEL FERRER: Mukhang hindi na matutuloy si Derek Ramsay sa project na (K)Ampon with Kris Aquino na hopefully ay sisimulan na ang shooting before the end of the month.

Siyempre, lalo pa’t bagong lipat sa GMA-7, priority ni Derek ang kanyang bagong teleserye na The Better Woman, at mahirap sumegue sa pelikula lalo pa’t may hinahabol na deadline.

Totoo ba na ang kinakausap na humalili kay Derek ay isang aktor na matagal nang hindi nagteteleserye, at sa haba at tagal ng hinintay bago magka-acting project ay nagko-concert muna?

Abangan natin ang kanilang official announcement.

JERRY OLEA: Kung hindi puwede si Derek dahil busy, maraming puwedeng pumalit sa kanya.

Andiyan si Ian Veneracion na nakatrabaho ni Kris sa Feng Shui 2 na entry sa MMFF 2014.

How about Herbert Bautista, para magkatuluyan ang KrisTek kahit man lang sa pelikula?

Puwede rin si Christopher de Leon, Gabby Concepcion, Robin Padilla, John Estrada, Piolo Pascual, Jericho Rosales... o si Mayor Richard Gomez, basta sa Ormoc City o kalapit na bayan ang principal photography.

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Kinulit ko si Atty. Joji Alonso kung totoong papalitan na si Derek sa (K)Ampon.

Text niya sa akin, “We are working around Derek’s schedule. Kasi, sobra talagang masikip.

“We are looking at moving one important location closer to the set of his soap so he won’t have to travel far and he can get enough sleep.”

Kung si Ian Veneracion ang tinutukoy na posibleng ipalit kay Derek, mukhang malabo rin.

Ang nakuha kong impormasyon mula sa kampo ni Ian, may gagawin din ito sa Star Cinema kaya hindi niya magagawa ang (K)Ampon.

Ang isa sa narinig kong pinag-iisipang ipalit ay si Dingdong Dantes.

Pero mas puno ang schedule ng Kapuso Primetime King lalo na’t magsisimula na rin siya ng Descendants of the Sun, at may StarStruck pa siya.

Kaya ewan kung nakarating pa ito sa PPL Entertainment, na nagma-manage sa career ng Kapuso actor.

Continue reading below ↓

Pagdating kay Kris Aquino, mukhang siya pa rin ang female lead sa (K)Ampon dahil pumayag daw siyang mag-shoot ng August.

May ilang dates lang ng naturang buwan na hindi siya puwede.

Kaya sa ngayon, Kris at Derek pa rin talaga ang bida sa (K)Ampon ng Quantum Films.

May special participation nga raw rito si Andrea Torres.

Sana medyo habaan na ang role dahil nakita ang magandang chemistry nila sa The Better Woman.

Di kaya nagkakadebelopan na ang dalawa?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Totoo ba na si Ian Veneracion (kanan) ang kinukuhang kapalit ni Derek Ramsay (kaliwa) para sa MMFF 2019 movie na (K)Ampon?
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results