Family History nina Michael V at Dawn Zulueta, naka-P3M sa first day

by PEP Troika
Jul 25, 2019
Dahil sa magandang resulta ng first movie ni Michael V bilang direktor at producer, tiyak na maeengganyo pa siyang gumawa ng pelikula.
PHOTO/S: Noel Orsal

NOEL FERRER: Sa ating pagmo-monitor ng box-office results sa mga pelikulang nagbukas kahapon, July 24, magandang balita ang aming nasagap.

Naungusan ng local film na Family History ni Bitoy (Michael V) ang foreign film na Yesterday.

Ayon sa theater owners, halos P3M ang first-day gross ng obra ni Bitoy, samantalang ang Yesterday ay naka-P2.3M naman sa first day.

Sana mas dumami pa ang mga taong manood sa Family History with such good word of mouth!

Tulungan po natin ang pelikulang sariling atin.

JERRY OLEA: Nagbukas ang Family History sa 170 sinehan, di ba?

Ilan lang bang sinehan ang pinagpalabasan ng musical na Yesterday? Sa average sana mapagkukumpara.

Four weeks ago pa ipinalabas sa North America ang Yesterday. Nag-open ito sa pangatlong puwesto.

At the time, kasabay nitong nagbukas ang Annabelle Comes Home na nasa 2nd place ang opening weekend gross (domestic).

Ang nanguna noon sa takilya ng U.S. at Canada ay ang Toy Story 4 na nasa 2nd weekend na.

Continue reading below ↓

Kumusta kaya ang Pan de Salawal na nagbukas din noong Miyerkules?

Gaya ng Family History ay Graded B ng CEB ang Pan de Salawal, na pinagbidahan nina Bodjie Pascua at Miel Espinosa.

Nag-open ito sa 19 sinehan noong Miyerkules.

Nadagdagan ito ng sinehan ngayong Huwebes... naging 20!

Sa 14th Cinemalaya last year, pangalawa ito sa Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon sa nagustuhan kong entries.

Pinag-uusapan kahit paano ang Midsommar na nag-open din sa local cinemas last Wednesday.

R-16 ang version ng folk horror movie na ito sa mga sinehan ng SM, katay-katay! R-18 sa ibang mga sinehan.

Siyempre pa... inaasahan nating yayanig sa Hulyo 31 ang KathDen movie na Hello, Love, Goodbye.

GORGY RULA: Sinabi ni Michael V sa mga nakaraang interview na kumita o hindi, gusto niyang tuluy-tuloy pa rin ang paggawa ng pelikula.

Kaya tiyak na lalo siyang magpupursige na mag-produce pa ang Mic Test Entertainment niya dahil mukhang maganda ang kalalabasan ng Family History sa takilya.

Continue reading below ↓

Sabi ng ating source, kung maganda ang feedback at tumaas pa ito sa darating na weekend, puwedeng pumalo sa P40 hanggang 50M ang kikitain nito sa loob ng isang linggo.

Sana maaabot nila ito at hindi maapektuhan kapag mag-showing na ang Hello, Love, Goodbye sa susunod na linggo.

Napanood ko ang pelikula sa premiere night noong Martes, nagustuhan ng karamihan ang kabuuan ng pelikula.

Maganda ang kuwentong isinulat ni Direk Bitoy.

Nakikita mo ang touch dito ni Bitoy na sobrang madrama ang mga eksena, pero bago ka maiyak, matatawa ka na.

Puring-puri ko rito si Dawn Zulueta na napakagaling, at consistent siyang magaling sa kabuuan ng pelikula.

Surprisingly, magaling din ang BiGuel na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

May ilang eksenang gustung-gusto ko si Miguel na maaaring nadadala siya ni Dawn sa eksena.

Sana may kasunod na agad si Michael V na siya uli ang magsusulat at magdidirek. Pero comedy na talaga sana!

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil sa magandang resulta ng first movie ni Michael V bilang direktor at producer, tiyak na maeengganyo pa siyang gumawa ng pelikula.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results