Maris Racal, gaganap bilang young Nora Aunor sa Isa Pang Bahaghari

by PEP Troika
Jul 25, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

JERRY OLEA: Unti-unting nabubuo ang cast ng pelikulang Isa Pang Bahaghari, na pagbibidahan nina Nora Aunor, Phillip Salvador, at Michael de Mesa, sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Kumbaga, relatively younger ang “dynamics” dito ng mga bida kumpara sa Rainbow’s Sunset na tinampukan ng octogenarians na sina Gloria Romero, Eddie Garcia, at Tony Mabesa.

Inihayag ng line producer na si Dennis Evangelista nitong Hulyo 25, Huwebes, sa Facebook na ang batang Nora ay si Maris Racal, ang batang Phillip ay si Albie Casino, at ang batang Michael ay si Migs Almendras.

Naunang i-announce ni Dennis na gaganap sina Zanjoe Marudo at Joseph Marco bilang dalawa sa tatlong anak nina Nora at Phillip.

Hanggang saan kaya ang suporta ng Noranians sa project na ito?

GORGY RULA: Mukhang okay ang line-up ng casting, na puwedeng magdala ang young stars sa tatlong bida.

Pero kung makakapasok ito sa MMFF 2019, parang hindi makakatulong dito si Phillip Salvador.

Continue reading below ↓

Sa ngayon, hindi talaga siya nakakatulong sa project na ito dahil ang daming galit sa kanya.

Unless, suportahan siya ng mga DDS, at kung makakalimutan na ang isyung ito sa December.

Pero tingnan natin, baka naman kayanin siyang ipagtanggol ng mga kapwa niya supporters ni President Duterte.

Buhay na buhay naman sila, e.

NOEL FERRER: Good luck at excited ako sa pagtatrabaho nina Direk Joel Lamangan at Phillip Salvador.

Siyempre, nasasabik na rin ako sa pagbabalik-pelikula ni Ate Guy!

Good luck sa Isa Pang Bahaghari! May all the colors show!!!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results