Bela Padilla, papalitan si Nadine Lustre sa Miracle In Cell No. 7

by PEP Troika
Jul 25, 2019
Pormal nang umatras si Nadine Lustre (kaliwa) sa MMFF 2019 entry na Miracle In Cell No. 7. Ang papalit sa kanyang role ay si Bela Padilla (kanan).
PHOTO/S: Noel Orsal

NOEL FERRER: Sa Metro Manila Film Festival Executive Committee meeting ngayong Huwebes, July 25, pormal na nagbigay ng request ang Viva Films ng pagpapalit ng lead actress sa MMFF 2019 entry nitong Miracle In Cell No. 7.

Nag-beg off si Nadine Lustre “due to persistent medical concerns and her resulting inability to perform her duties as an actress during the shoot up to the promotion of the film.”

Ang papalit kay Nadine Lustre ay si Bela Padilla.

Tinanggap ng MMFF Execom ang pagbabago ng cast ng Viva that said, “We believe that Bela Padilla is an excellent actress and a bankable star and she will significantly contribute to the film’s artistry and commercial success.”

Makakasama ni Bela sa Miracle In Cell No. 7 si Aga Muhlach.

JERRY OLEA: Hanggang Hulyo 30 pa ang pagpapalit ng casting ng official entries sa MMFF 2019.

So far, hindi pa sumusulat sa MMFF 2019 ExeComm ang producer ng (K)Ampon kung may papalitan ba kina Kris Aquino o Derek Ramsay sa cast.

Continue reading below ↓

Kaugnay sa Pinoy remake ng 2013 South Korean comedy drama na Miracle In Cell No. 7, mas may commercial value si Bela kesa kay Nadine, di ba?

At sa pagkakaalam ko, maikli lang ang role ng adult female sa movie. Sa huli na lang iyon, di ba?

Mas importante ang papel ng young daughter!

Bet kong gumanap doon si Miel Espinosa, na bida sa Cinemalaya 2014 movie na Pan de Salawal (showing ngayon sa select cinemas)!

GORGY RULA: Kunsabagay, mas may nag-hit na pelikula si Bela kesa kay Nadine.

Pero maganda rin sanang kumbinasyon ang Aga-Nadine dahil bago ito para sa aktres ng Viva.

Sa pagkaalala ko, hindi pa nakagawa si Nadine ng pang-MMFF.

Si Bela ay hindi pa nakapagbida sa isang MMFF movie, kundi nag-support lang sa pelikula ni Vice Ganda.

Mas bet ko pa rin sana si Nadine dahil mas magandang challenge ito sa kanya bilang aktres pagkatapos niyang humakot ng tatlong Best Actress awards para sa Never Not Love You.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pormal nang umatras si Nadine Lustre (kaliwa) sa MMFF 2019 entry na Miracle In Cell No. 7. Ang papalit sa kanyang role ay si Bela Padilla (kanan).
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results