Metro Manila Summer Film Festival, magsisimula na sa 2020

by PEP Troika
Jul 25, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA: Kasado na ang 1st Metro Manila Summer Film Festival, na mag-uumpisa sa Black Saturday 2020 (Sabado de Gloria) at tatagal ng 11 araw.

Walo ang pipiliing official entries.

Meron ding Parada ng mga Bituin (Palm Sunday/Linggo ng Palaspas) at Gabi ng Parangal (ikalimang gabi ng summer filmfest).

Kapartner dito ng MMDA/MMFF ExeComm ang CEAP (Cinema Exhibitors Association of the Philippines).

So... ang unang MMSFF Parade of Stars ay sa Abril 5, 2020, ang Gabi ng Parangal ay sa Abril 15, at ang showing ng entries ay Abril 11-21.

Ang host city ay Quezon City.

NOEL FERRER: Maraming magagandang ganap sa MMFF meeting nitong Hulyo 25, Huwebes ng hapon, maliban sa pagpapasinaya ng Summer MMFF.

Nalinaw ang batayang batas kung bakit ang MMDA ang nagha-handle ng MMFF for 45 years.

At ito ngang Summer MMFF, kahit wala pang batayang batas at pagtutulungan ng MMFF Execom sa initiative ni Senator Bong Go at pamumuno ni MMDA Chair Danilo Lim, ay todo ang suporta nina Congresswoman Len Alonte at Dan Fernandez na kung kailangan ng batas ay pangungunahan nila ito.

Continue reading below ↓

Naklaro rin sa inquiry ni Congressman Dan, na dating nag-imbestiga sa MMFF, na naibigay na ang lahat ng arrears sa beneficiaries at malinis ang record ng finances ng MMFF.

Kaya excited ang lahat sa initiative na ito ng MMFF Execom at CEAP dahil ibibigay nila ang pinag-aagawang playdate na Black Saturday solely para sa pambansang pagpapalabas ng mga pelikulang Pilipino.

Wagi talaga!

GORGY RULA: So, sasabay talaga sa pagtitika tuwing Mahal na Araw ang filmfest na ito?

Kaya ang ibang celebs na sa halip na magbakasyon sa Holy Week, magiging abala na sa pagpu-promote kung kasali ng pelikula nila.

Pero sa totoo lang, interesado rin ang karamihan ng producers sa bagong MMFF na ito.

May isang sikat na aktor ngang matagal nang di nagkapelikula ay nagpahayag ng interes na sumali.

Abangan natin iyan!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results