Jobelle Salvador, nagsalita tungkol sa pahayag ng Tito Ipe niya laban sa Duterte critics

by PEP Troika
Jul 26, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal / Twitter

JERRY OLEA: Natigilan si Jobelle Salvador nang uriratin kaugnay sa pasaring ng uncle niyang si Phillip Salvador para sa critics/detractors ni Pangulong Duterte noong Hulyo 22, Lunes, sa red carpet ng SONA, “Mamatay kayong lahat!”

“Kung ano man po yung pinanggagalingan ni Tito Ipe, the fact that he’s very close to the President, you know...” pasakalye ni Jobelle nang mainterbyu namin sa mediacon ng Kapamilya primetime series na The Killer Bride nitong Hulyo 25, Huwebes ng gabi, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN Compound, Quezon City.

“Hindi ko po siya kinakampihan. Wala ho akong kinakampihan.

"Ang sa akin lang, he knows the President more than anybody. Kasi, lagi nga po siyang kasama.

"Siguro, kung tayo, nakikita rin natin ang ginagawa ng Presidente, you know, how he works...

"Kasi, I know, nabanggit din po niya iyan sa akin, magkasama kami early this year.

"Na hindi na raw natutulog ang Presidente, you know, for his age.

Continue reading below ↓

"You know, like everybody around the President is really very worried about the President’s health.

"Kasi nga po, hindi na nagpapahinga, you know, talagang workaholic.

"So maybe, yung hindi kasi nakikita nga natin... siya, nakikita niya.

“Iyong loyalty, nandodoon, e, you know. If they only knew...

"Siguro, nadala na lang siya ng emosyon niya. Out of frustration.”

GORGY RULA: Sino ba ang mas close kay Presidente Duterte kina Phillip at Senator Bong Go?

Wala naman tayong naririnig na ganyan mula sa senador.

Kilala ko rin si Kuya Ipe na madalas, siya pa ang nagpapakalma sa mga nag-aaway sa showbiz, kaya nakakagulat na nasabi niya yun.

Hindi naman siguro niya ikasisira kung humingi siya ng paumanhin sa nasabi niya.

Sisipot kaya siya sa story conference ng pelikula ni Direk Joel Lamangan na Isa Pang Bahaghari

Sinabi na kasi ng line producer na si Dennis Evangelista na huwag daw sanang pag-usapan ang pulitika.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Wala na bang ibang choice sa Isa Pang Bahaghari kundi si Kuya Ipe?

Oh well... Call iyan ng produ at ni Direk Joel. Just asking.

Sayang talaga sina Papa Bo at Sir Pip!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results