ASAP Natin 'To, may star-studded homecoming celebration para kay Pacquiao

by PEP Troika
Jul 27, 2019
People's Champ Manny Pacquiao will be feted a star-studded homecoming celebration in tomorrow's episode of ASAP Natin 'To, Sunday, July 28, in celebration of his recent victory over American fighter Keith Thurman.
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA: Kapuso pa ba ang Pambansang Kamao?

Tuloy pa ba ang drama anthology na hinu-host ni Manny Pacquiao para sa GMA-7, ang Stories for the Soul?

Sa Kapamilya Network ipinalabas ang laban ni Pacman kay Thurman noong nakaraang Linggo, Hulyo 21.

As expected, iyon ang pinakamalakas na programa noong araw na iyon.

Ayon sa national TV ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media, naka-34.8% ang Pacquiao vs Thurman, kontra sa dalawang pelikula ng Kapuso Movie Festival—ang The Lion King na naka-10.7%, at Wonder Woman na naka-11.7%.

Hindi agad pinauwi ng doktor si Pacman kaya wala ito sa SONA noong Hulyo 22, Lunes.

“Grand Homecoming for the People’s Champ” bukas, Hulyo 28, Linggo sa ASAP Natin ‘To ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Mangunguna sa pagpupugay kay Pacquiao sina Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla at Piolo Pascual.

Super-rakrakan ang salubong ni Billy Crawford at TNT Boys para sa Living Legend.

Continue reading below ↓

Pusong nag-aalab para sa bayan ang hatid nina Ogie Alcasid, Iñigo Pascual, at Janine Berdin.

Mag-aalay din ng awit sina KZ, Darren Espanto, Moira, Morissette, at BoybandPH para sa WBA Super Welterweight Champion.

Mabuhay!

NOEL FERRER: Ang alam ko ay tinigbak na ng GMA-7 ang Stories For The Soul.

Continue reading below ↓

Last (17th) episode na iyong “Uhaw” episode ni Diana Zubiri na ipinalabas noong Hunyo 30 sa Sunday Grande ng Siyete.

Kaya wala nang kaback-to-back ang The Atom Araullo Specials na susunod.

Oh well, paano na iyung mga major ka-close ni Manny sa Kapuso network na kasama lagi sa mga laban niya?

Waley na rin?

GORGY RULA: Mukhang okay pa rin naman si Sen. Pacquiao sa GMA executives.

Halos lahat ng taga-Kapuso network ay bumati sa nakaraan niyang laban.

Hindi siguro nag-burn si Sen. Pacquiao ng bridge sa Kapuso network.

Hindi lang natin masabi kung sa GMA-7 na ba niya ibibigay ang susunod niyang laban.

Tiyak na pag-agawan ito kung si Floyd Mayweather ang susunod niyang makakasalpukan.

Medyo mainit ang patutsadahan nila ngayon, kaya malay natin, baka matuloy ito sa rematch.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
People's Champ Manny Pacquiao will be feted a star-studded homecoming celebration in tomorrow's episode of ASAP Natin 'To, Sunday, July 28, in celebration of his recent victory over American fighter Keith Thurman.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results