Gerald Anderson, kasama pa rin ba sa ASAP Bay Area show?

by PEP Troika
Jul 27, 2019
is Gerald Anderson still part of ASAP Natin 'To's lineup of artists for its upcoming Bay Area show on August 3?
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA: Kasali pa ba si Gerald Anderson sa ASAP Natin ‘To Bay Area show na gaganapin sa Agosto 3, Sabado, sa S.A.P. Center, San Jose, California kaugnay ng ika-25 anibersaryo ng The Filipino Channel (TFC)?

Iyan ang tanong ng aming kaibigang TFC-subscriber na nakabase sa San Francisco, CA, USA.

Aniya, kasama si Gerald sa poster ng concert party, kung saan alphabetical by first name ang pagkalagay ng mga litrato—AJ Rafael, Angel Locsin, Angelica Hale, Angeline Quinto, Bassilyo, Billy Crawford, Carol Banawa, Coco Martin, Daniel Padilla, Darren Espanto, Edward Barber, Ella May Saison, Enchong Dee, Erik Santos, Filharmonic, Gary Valenciano, Gerald Anderson, Gold Squad, Iñigo Pascual, Janine Berdin, Jasmin Trias, Jej Vinson, Josephine “Banig” Roberto, Joshua Garcia, Julia Barretto, Kathryn Bernardo, Kim Chiu, Kyla, KZ, Maja Salvador, Martin Nievera, Maymay Entrata, Moira de la Torre, Morissette, Ogie Alcasid, Paulo Avelino, Pia Wurtzbach, Piolo Pascual, Pops Fernandez, Regine Velasquez, Sam Milby, Shane Ericks, Sheryn Regis, Smugglaz, Str8tjacket, TNT Boys, Tony Labrusca, Yeng Constantino at Zsa Zsa Padilla.

Continue reading below ↓

Kasama si Gerald sa unang TVC (patalastas) na in-upload sa iba’t ibang digital platforms.

Napanood iyon ng ating source two weeks ago.

Kaso, sa bagong patalastas na ipinapalabas ng TFC, idinagdag si Catriona Gray, pero waley si Gerald.

Nakalimutan lang bang ilagay ang kontrobersyal na aktor sa bagong patalastas?

Continue reading below ↓

O ipinalit si Catriona kay Gerald dahil kailangan ang aktor sa taping ng teleseryeng A Soldier’s Heart?

Nag-back out ba si Gerald?

Kaabang-abang sana kung makikipag-bonding doon si Gerald kay Julia o Pia!

NOEL FERRER: Basta, sa mga panahong yan, nasa US man o wala si Gerald, kasama namin ang classmate naming si Bea Alonzo sa Ricky Lee Scriptwriting Workshop (na ang gaganda ng concepts at storylines na isinusumite).

At least, may kontrobersya man sa showbiz, si Bea ay level up na talaga!

GORGY RULA: Wala sigurong mababago kay Gerald kung makakasama siya o hindi sa ASAP Natin ‘To Bay Area.

Sa tingin ko lang, na maaring mali ako, kahit pinuputakti ng pamba-bash ang aktor sa social media, hindi siguro makakaapekto sa career niya ang isyung ito.

Bilib na bilib ang ibang kalalakihan kay Gerald na kahit committed siya kay Bea Alonzo, nali-link pa siya kina Pia at Julia.

Continue reading below ↓

Ang ibang kababaihan ay naku-curious kung anong meron kay Gerald kaya kinahuhumalingan siya ng mga magagandang babaeng ito.

Hindi man magandang halimbawa sa fans, wala tayong magagawa.

Sa lipunan natin, mas tanggap nila ang mga lalaking babaero kesa babaeng lalakero.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
is Gerald Anderson still part of ASAP Natin 'To's lineup of artists for its upcoming Bay Area show on August 3?
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results