Bea Alonzo, nagsulat about letting go and moving on; Gerald Anderson, tahimik pa rin

by PEP Troika
Jul 29, 2019
Gerald Anderson, hindi nagsasalita alang-alang kay Bea Alonzo?
PHOTO/S: Mark Atienza

NOEL FERRER: Nang mai-post sa social media ang aming Day 4 batch photo sa Ricky Lee Scriptwriting Workshop nitong Hulyo 28, Linggo, maraming nagtaka kung bakit wala ang ka-batch naming si Bea Alonzo.

Ang dami ring nag-message sa amin kung nag-quit ba ito dahil labis na dinamdam ang nangyari sa kanya.

Napaano na raw ba ang aktres? Suportado ba siya ng batchmates niya sa pinagdadaanan niya?

Kasama mismo namin ang handler ni Bea na si Monch Novales, na ang sabi’y magpapatuloy si Bea sa pagiging batchmate namin at wala itong sinasabing magku-quit siya.

Naka-sked lang talaga ang pagpunta ng aktres sa Zambales with her family kaya last na absent na niya yung kahapon.

Next Sunday, kasama na namin siya ulit. At magpa-participate pa siya sa mga small group feedback session.

Gusto naming ipagmalaki yun, ayon kay Monch, na very apt ang isinulat ni Bea about letting go and moving on!

Continue reading below ↓

Level up si Bea! She is putting good to good use her pain!

Undoubtedly, excited kami sa kanyang output sa workshop and, truly, she has found a comfortable and safe place in our workshop group, na ang sabi ni Ricky Lee ay napakasigasig at parang lahat ay gustong maging valedictorian.

Solid #TeamBea ang stellar Batch 22 na ito ng Ricky Lee Workshop.

JERRY OLEA: Dahil sa Ricky Lee Scriptwriting Workshop, wala si Bea sa line-up ng ASAP Natin ‘To Bay Area na gaganapin sa Agosto 3, Sabado, sa S.A.P. Center, San Jose, California.

Kasali sa concert party na iyon ang mga kaibigan niyang sina Angel Locsin at Paulo Avelino, maging sina Julia Barretto, Joshua Garcia, Kim Chiu, Maja Salvador, at Pia Wurtzbach.

Hindi pa namin nako-confirm kung kasali pa rin doon si Gerald Anderson.

Nasa poster at unang TV commercial si Gerald, pero sa bagong patalastas na palabas sa The Filipino Channel (TFC) ay wala na ang kontrobersiyal na aktor.

Continue reading below ↓

Ayon sa source ng PEP Troika, nakatakda sa Huwebes (August 1) ang presscon ng ASAP Natin ‘To Bay Area, at sa Biyernes (August 2) ang rehearsals.

Malalaman natin by then kung tuloy pa si Gerald sa nasabing palabas.

GORGY RULA: Ang dami pa ring nagpu-post ng suporta nila kay Bea.

Pati si Claudine Barretto ay nakisawsaw na rin.

Si Derek Ramsay ay nag-post din kasama si Bea na sinasabi niyang “one of the strongest, smartest and talented women I know.”

Nabastos pa si Derek sa post niyang yun.

Nasaan si Gerald? Bakit hindi siya magbigay ng panig niya sa isyung ito?

Ang sabi ng ilang taong malapit sa kanya, hindi raw talaga magsasalita ang aktor.

Baka naman ayaw na niyang magsalita alang-alang na rin siguro kay Bea?

Kapag ganitong isyu, laging sa babae ang simpatiya.

Pero siguro, pakikinggan ko muna kung ano naman ang panig ni Gerald.

Saka na muna natin isali si Julia Barretto sa usapin.

Continue reading below ↓

Kung ano muna ang namagitan kina Gerald at Bea...

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gerald Anderson, hindi nagsasalita alang-alang kay Bea Alonzo?
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results