Sanya Lopez, gandang-ganda sa bagong Darna na si Jane de Leon

by PEP Troika
Jul 29, 2019
Sanya Lopez, nakasama na sa isang parada ang Kapamilya actress na si Jane de Leon.
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA: May mga nag-suggest noon kay Sanya Lopez para ikunsidera sa Darna trilogy ng Star Cinema.

Ano ang reaksiyon ng Kapuso actress nang mai-announce si Jane de Leon bilang bagong Darna?

“Ako, I’m happy po kung sino man po yung napili. Si Jane de Leon, nakasama ko po siya one time,” lahad ni Sanya sa storycon ng pelikulang Isa Pang Bahaghari nitong Hulyo 28, Linggo, sa Salu restaurant, Sct. Rallos St., Quezon City.

“And ang ganda-ganda niya! I think she deserves it naman.”

Nakasama ni Sanya ang Kapamilya actress na si Jane sa isang parada sa Navotas.

“She’s pretty. We’re happy naman sa kung sino man po ang nakuhang Darna,” dagdag ni Sanya.

In fairness, ang ganda ng papel ni Sanya bilang Dolly, ang bunsong anak nina Lumen (Nora Aunor) at Dom (Phillip Salvador) sa Isa Pang Bahaghari, na ididirek ni Joel Lamangan.

Continue reading below ↓

Pinangungunahan nina Nora Aunor at Philip Salvador ang cast ng pelikula.

Kasama rin ni Sanya sa storycon sina (second row, left to right) Migs Almendras, Joseph Marco, at Albie Casiño.

“Ang ganda, ang ganda po! Habang binabasa ko yung script po, sabi ko, ‘Ay! Grabe rin iyong bunsong anak niya para gawin niya ito sa tatay niya.’

Continue reading below ↓

“At siyempre po, challenging din po sa akin yung role na pagiging GRO.

“Kasi, first time ko po talaga na gawin yung role na yun.”

Siyanga pala, extended ang Kapuso teledramang Dahil Sa Pag-ibig na pinagbibidahan nila ni Benjamin Alves.

NOEL FERRER: Buti naman, may bago nang pelikula si Sanya after her Wild And Free movie sa Regal.

This lady is able to prove that she can act. Sana, mas marami pa ang opportunities for her to excel!

GORGY RULA: Marunong umarte si Sanya. Pero madidisiplina siya rito ni Direk Joel Lamangan.

Kaya malaking challenge sa kanya ito lalo na’t Nora Aunor at Phillip Salvador pa ang makakaeksena niya.

Napakabait pa ng kamera kay Sanya, at nag-a-adjust ang hitsura niya sa role. Kaya posibleng lulutang siya rito pag sumunod lang siya kay Direk Joel.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sanya Lopez, nakasama na sa isang parada ang Kapamilya actress na si Jane de Leon.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results