Albie Casiño, willing magkaroon ng butt exposure sa pelikula

by PEP Troika
Jul 29, 2019
Albie Casiño on butt exposure: “Yun! Parang yun na ang next sa check list ko, e!”
PHOTO/S: Jerry Olea / @thestallion09 Instagram

JERRY OLEA: Young Phillip Salvador ang papel ni Albie Casiño sa pelikulang Isa Pang Bahaghari.

May eksenang hahalikan siya ni Migs Almendras (young Michael de Mesa) habang natutulog.

Sa tunay na buhay, may bading na bang nagnakaw ng halik sa kanya while he’s sleeping?

“I guess, hindi ko na maaalala kung tulog talaga ako!” natatawang sambit ni Albie sa look test at storycon ng movie nitong Hulyo 28, Linggo sa Salu, Sct. Rallos St., Quezon City.

Seksi-seksihan si Albie sa Kapamilya series na Los Bastardos, maging sa pag-eendorso ng Bench.

Handa na ba siya sa bold and daring roles sa movies?

“Depende sa script talaga,” matamang tugon ng young actor.

“Ahmm, well, noong nalaman ko talaga—noong sinabi sa akin about this project—hindi ko pa nababasa ang script or anything, tinanggap ko na agad.

“Kasi, kasama ko si Joseph,” tukoy ni Albie sa Los Bastardos co-star niyang si Joseph Marco.

Continue reading below ↓

Wala silang eksena sa movie.

Sa flashback scenes mapapanood si Albie, samantalang si Joseph ay sa present time bilang isa sa tatlong anak nina Phillip at Nora Aunor.

“It doesn’t matter. Ngayon, magkasama kami. Sa promo, mga mall show, photo shoot, di ba?

“It’s still nice to be in the same project. Hindi naman kailangang magkaeksena kami, di ba?”

Ready na ba siya sa butt exposure?

“Yun! Parang yun na ang next sa check list ko, e!” napangiting bulalas ni Albie.

“Pero kailangan, for the right script talaga. For the right role, di ba?”

Kailangan, yung siya ang bida?!

“Kahit hindi bida. Kahit kontrabida. Pero, di ba, it has to make sense for me,” paliwanag ni Albie.

“Makikita mo naman kung, ‘Ahhh, gusto lang nitong magpakita ng puwet, e!’ Hindi ako papayag sa gano’n.

Continue reading below ↓

“Pero yung makikita mo, gets mo, ‘Oo, kailangan talaga dito.’”

NOEL FERRER: Hindi naman yata kakailanganganin ang butt exposure ni Albie for this film of Ate Guy.

OK namang magpaka-daring si Albie Casiño pati na rin si Joseph Marco—basta hindi lang iyon, kundi ang acting nila ang talagang pag-uusapan.

I’m sure, ayaw nilang matawag na Christmas Ham, di ba?

GORGY RULA: Dati ay iniiwasan ni Albie na pag-usapan ang tungkol kay Andi Eigenmann.

Vindicated na siya pagkatapos malamang si Jake Ejercito pala talaga ang ama ni Ellie, ang panganay ng aktres.

Pero ngayong may pangalawang anak na si Andi sa ibang lalaki, may nararamdaman pa kaya si Albie?

Pumasok ba sa isipan niyang vindicated na siya talaga rito? O keber na niya at wala na siyang pakialam sa dating girlfriend?

JERRY OLEA: Hindi ko inurirat si Albie tungkol sa panganganak muli ni Andi.

Continue reading below ↓

Hayaan na lang muna natin si Andi na mag-alaga at magpalaki sa dalawa niyang anak.

Wala nang masyadong intriga kay Albie lately.

“Yeah, I like it a lot. I like this a lot better! I like it na walang intriga!” masayang pahayag ng binata.

Tahimik ang lovelife niya. “Tanong niyo lang sa akin, tungkol sa Bastardos... So, OK. OK lang ako.”

Ang alam ni Albie ay hanggang Oktubre na lang ang Los Bastardos, pero inaasam nilang ma-extend ito hanggang next year para masaya ang kanilang Pasko at Bagong Taon.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Albie Casiño on butt exposure: “Yun! Parang yun na ang next sa check list ko, e!”
PHOTO/S: Jerry Olea / @thestallion09 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results