Ryle Santiago, hindi na naniniwala sa love

by PEP Troika
Jul 29, 2019
Ryle Santiago: "Parang... ayoko nang maghabol. Ayoko nang maghanap. Mas gusto kong maghintay na lang kung sino man ang darating."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA: Sino ang gustong maka-love team ni Hashtag Ryle Santiago?

“Napag-isipan ko na at ilang beses kong nasagot, ang sagot ko lang talaga, I think, final... no one in particular,” sagot ni Ryle nang mainterbyu namin sa mediacon ng Beautederm nitong Hulyo 28, Linggo, sa Seda Hotel, Vertis North, Quezon City.

“Gusto ko, i-challenge yung sarili ko, na kung sino yung ibigay sa akin, kaya kong i-pull off. Kaya naming dalhin yung isa’t isa.

“Gusto ko, yun yung ano. Parang challenge kahit sino.”

Kanino siya nagagandahan?

“Marami namang maganda.”

Si Darna?!

“Si Jane de Leon. Puwede, kasi ano kami, e,” napangiting sambit ni Ryle.

“We go way back. Kasi, naging GirlTrends din siya, e. Showtime.

“So, medyo naging close din kami noong mga panahon na magkasama pa kami araw-araw.

"So, why not? Siya na ang Darna!"

Sino ang crush niya?

Continue reading below ↓

“Wala na. Hindi na ako naniniwala sa love,” pag-iling ni Ryle.

“Naniniwala na lang ako sa... savings. Ha! Ha!

"Pero totoo yun, hindi na ako... kapag may ano, may bagong babae, wala na. Hindi na ako naano.

“Parang... ayoko nang maghabol. Ayoko nang maghanap.

"Mas gusto kong maghintay na lang kung sino man ang darating.

“Kasi, ang pangit pag pinipilit na lang palagi. Parang laging masama yung endings.

"So... relax lang."

NOEL FERRER: Nabalitaan ko na in-offer kay Ryle ang isang major role sa digital series ng iWant na Mga Batang Poz.

Inayawan daw niya ito dahil hindi pa niya kakayanin ang ganoong mapangahas na role.

Sayang, kasi alam ko, isa si Ryle sa mahuhusay na young actors ngayon.

Di ba, nagka-award siya as Best New Actor ng PMPC Star Awards for Movies para sa Bakwit Boys?

Sana may dumating na project na magpapakita pa lalo ng kanyang kahusayan sa pag-arte—with or without ka-love team.

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Mapangahas naman talaga ang mga papel ng apat na bida sa Mga Batang Poz.

Pero kung si Ryle ang isa sa gumanap doon, baka nagampanan niya nang maayos ang karakter sa naturang digital series.

Hindi talaga ako na-impress sa apat na gumanap doon.

Sakaling may tinanggap si Ryle sa isa sa roles doon, baka himatayin ang nanay niyang si Sherilyn Reyes.

Napatunayan na kasi ni Ryle ang galing niya sa pag arte sa Bakwit Boys.

Kaya sa totoo lang, hindi na niya kailangang maghanap ng ka-love team. Ituon na niya ang sarili sa pagiging aktor.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ryle Santiago: "Parang... ayoko nang maghabol. Ayoko nang maghanap. Mas gusto kong maghintay na lang kung sino man ang darating."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results