Kit Thompson, bumalik sa Pilipinas at showbiz dahil sa Belle Douleur

IMAGE Gorgy Rula
Kit Thompson and Mylene Dizon with Belle Douleur director Atty. Joji Alonso

GORGY RULA: Nasa Amerika pa si Kit Thompson nang nagpadala siya ng audition video niya kay Atty. Joji Alonso para sa role bilang si Josh sa 15th Cinemalaya entry na Belle Douleur.

Ipinakita rin ni Atty. Joji ang audition video ni Kit sa bida ng pelikula na si Mylene Dizon.

Sabi ng aktres, slang na slang si Kit, pero ang pogi kasi.

Malaking bagay na matangkad si Kit dahil iyon ang gusto ni Atty. Joji—na dapat matangkad ang partner dito ni Mylene.

Nang finally si Kit ang napili, sinabi na agad ni Atty. Joji na may tatlong matinding love scenes siyang gagawin kay Mylene, maghuhubad siya, at may butt exposure.

Gustung-gusto ni Kit ang script nang nabasa niya, kaya ito ang dahilan kaya bumalik siya sa Pilipinas at ipinagpatuloy ang naudlot niyang showbiz career.

Hindi maiwasang maungkat ang mga isyung kinasangkutan noon ni Kit, at halatang hindi siya kumportableng pag-usapan ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa yung kumalat na video scandal na hindi na lang dinalirot sa presscon ng Belle Douleur nitong Agosto 1, Huwebes.

Sabi ni Kit sa mga ganoong isyu, “Move on move on din. Past na yun.

"So, you know… we all learn from it, as I said back then.

“Ang importante lang, sa kahit anong ginawa mo na sa tingin mo reckless, na sa tingin mo stupid or irresponsible, kailangang matuto ka. Yun lang.”

Sinabi ko kay Kit na lalo siyang naging desirable at nadagdagan ang sensuality niya nang kumalat ang video scandal na yun.

“I guess,” tipid niyang sagot.

Agosto 3, Sabado, ang gala night ng Belle Douleur sa Tanghalang Nicanor Abelardo ng Cultural Center of the Philippines.

Pagkatapos ng Cinemalaya ay mapapanood na ito sa commercial theaters sa Agosto 14.

NOEL FERRER: Isa ang Belle Douleur sa excited akong mapanood dahil support tayo sa mga bagong mga boses, lalo pa’t woman filmmaker na katulad ni Atty. Joji.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

We always support passion projects of friends at lalo pa if it’s about women empowerment. Kaisa niya tayo riyan.

I’m sure that this early, this would be a Cinemalaya crowd drawer.

I hope it also gets to be supported by the general public once it gets its commercial release.

Congratulations, Direk Atty. Joji!

JERRY OLEA: Naikukumpara ang Belle Douleur sa Malamaya, na official entry rin sa Cinemalaya 2019.

Tungkol din ito sa relasyon ng isang may-edad na babae (Sunshine Cruz) at mas batang lalaki (Enzo Pineda).

Gaya ni Kit, may pa-puwet si Enzo.

Gaya ni Atty. Joji, first-timer ang mga direktor ng Malamaya na sina Danica Sta. Lucia & Leilani Chavez.

At gaya ng Belle Douleur, nakatakda ang commercial release ng Malamaya sa Agosto 14.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close