Kathryn-Alden movie, tumabo na ng P66.3M sa takilya

IMAGE Screengrab from Hello, Love, Goodbye trailer

JERRY OLEA: Noong Hulyo 30, Martes, ang chika ay mag-o-open ang KathDen movie sa 300 sinehan.

Come July 31, Wednesday, 350 sinehan ang pinagpalabasan ng Hello, Love, Goodbye, at naka-PHP34.5M ito sa unang araw.

“I don’t love you!”

Sabi, nitong Agosto 1, Huwebes, ay 380 na ang sinehan ng pelikula nina Kathryn Bernardo (Joy) at Alden Richards (Ethan).

Kamukat-mukat mo, nadagdagan pa ng sampu. Naging 390.

Ang hinamig nito sa ikalawang araw, PHP31.8M.

Kaya sa dalawang araw, bale PHP66.3M na ang kinita nito.

Shout for Joy!

Inaasahang mas malakas ang pelikula kapag weekend, Sabado at Linggo.

Siyangapala, sold out na ang Middle East premiere ng Hello, Love, Goodbye sa Agosto 9 sa Al Ghurair Centre at The Dubai Mall.

Ethan’s Joy pa more!

NOEL FERRER: Kapag umaabot ka ng 120 block screenings per day, o iyong feeling na malaki ang return audience na gustung ulitin ang panonood ng pelikula, mukhang malayo pa talaga ang tatakbuhin ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

And there’s something to learn here from Star Cinema—sustained ang kanilang promo.

Kahit nasa ASAP Natin ‘To Bay Area na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, sustained ang promo ng KathDen movie.

Nag-digicon pa with bloggers kasama ang director at creative team ng pelikula. Ibang klase talaga!

Even the reporters of the other networks are impressed at how extensive the promo of this movie has been laid out.

Kaya naman they are now reaping the fruits of their hard work.

Congratulations po sa lahat!

GORGY RULA: Nakakatuwa, dahil walang kanegahan tayong nakukuha habang ipinapalabas ang naturang pelikula.

Lahat ay agree na dapat suportahan. Halos lahat, nagsasabing dapat mag-part two.

Inaasahang ganoon din ang suportang makukuha ng pelikulang Isa Pa With Feelings na bagong tandem nina Carlo Aquino at Maine Mendoza.

Sa renewal ni Maine sa ini-endorse niyang Betadine Fresh Bliss nitong Agosto 2, Huwebes, tinanong sa kanya kung ano ang nararamdaman niyang nagwu-work pala ang pelikula kahit hindi magka-love team ang magbibida, gaya ng kina Alden at Kathryn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kanila kaya ni Carlo ay ganoon din ang kalalabasan?

Pahayag ni Maine, “Honestly, ako, sa utak ko ngayon sa gagawin naming pelikula, wala sa akin ang… ako kasi ito, e, as an actress, hindi as a producer.

“Pero parang… ang focus ko lang ngayon ay makagawa ng magandang pelikula.

“Hindi ko iniisip… kasi never naman naging… ewan ko, yung kitain ng pelikula or kung saan mapupunta yung pelikula.

“Pero ako, ang gusto ko lang, ang gusto ko, maging sure na makagawa kami lahat ng pelikula na maging proud kami dahil maganda, dahil nagawa namin iyong istorya, iyong execution, lahat.”

Ngayong araw, August 2, na raw magsisimulang mag-shoot sina Carlo at Maine.

At sana, maganda rin ang kalabasan ng pelikula nila dahil kung sakali ay success din ito ng AlDub Nation.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close