Dennis Trillo at Jerald Napoles, nagbigay ng opinyon tungkol sa ghosting

IMAGE Gorgy Rula
Mina-Anud stars Dennis Trillo (left) and Jerald Napoles give their opinion about ghosting in a relationship.

GORGY RULA: Naungkat ang isyu ng "ghosting" sa mediacon ng pelikulang Mina-Anud nitong Agosto 2, Biyernes, sa 38 Valencia Events Place, Quezon City.

Natanong kasi namin sa bida ng pelikulang ito na si Dennis Trillo kung paboritong bonding ba nila ng girlfriend na si Jennylyn Mercado ang pagse-surf dahil yun ang ginagawa niya sa pelikula.

Sabi ni Dennis, paminsan-minsan ay nagse-surfing sila ni Jennylyn kapag nasa beach sila.

Biglang may nagpatanong kung nagawa ba niyang i-ghosting si Jennylyn noon.

Hindi alam ni Dennis kung ano ang ibig sabihin nun kaya ang co-star nitong si Jerald Napoles pa ang nagpaliwanag.

“Ahh, hindi po. Never ko pa nagawa yun,” pakli ng Kapuso Drama King.

Inamin ni Jerald na nagawa niya minsang mag-ghosting sa dati niyang karelasyon.

Hindi nabanggit doon si Gerald Anderson, pero bilang katukayo niya ang Kapamilya actor at inaming nagawa niya ito noon, ipinaliwanag ni Jerald kung bakit nagagawa ng isang lalaki ang mag-ghosting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Jerald, “Sa tingin ko, pag bata ka pa… ewan ko kung ganito rin ang nangyari kay… hindi ko na babanggitin ang pangalan niya, oo, sa katukayo ko.

“Kasi, pag bata ka pa, 'tapos pag nabaligtad na yung pakiramdam mo at ang desisyon mo sa buhay, at hindi mo alam yung gagawin, parang na-shut down mo na lang, 'tapos meron ka na lang na ‘bahala na kung magalit siya, lilipas din 'yan.’

"Minsan, may ganung feeling ako."

Hindi sinasabi ni Jerald na tama yun, pero yun lang daw kasi ang kanyang nararamdaman nung minsang nagawa niyang i-ghosting ang dating karelasyon.

“I think, ganun ang nararamdaman ng nag-ghosting, hindi niya kayang makumpronta yung galit, at kung ano yung ibibigay sa kanya ng bulkan.

“Usually, nangyayari yun sa hindi pa talaga ready sa relasyon o let’s say immature pa sa relationship,” dagdag niyang pahayag.

Pero never na raw niya gagawin iyon sa kasalukuyang karelasyon, ang stage actress at komedyante na si Kim Molina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Limang taon na silang magkasintahan, at seryoso na raw sila sa kanilang relasyon.

JERRY OLEA: Ghost month na sa Chinese calendar, kaya swak ang usapang ghosting.

Sa trailer ng pelikulang Hobbs & Shaw na showing na sa mga sinehan, ang kontrabidang si Brixton Lore (ginampanan ni Idris Alba) ay isinalarawan bilang isang “ghost.”

Kabilang sa mga bagong release ng Netflix ang pelikulang Eerie na pinagbidahan ni Bea Alonzo, na sa ending ay naging ghost.

Bida sina Dennis Trillo at Jerald Napoles sa Mina-anud.

Ang Jerald, katunog ng Gerald. Ang tatay ni Julia Barretto, si Dennis Padilla.

Nasa U.S. na sina Julia Barretto at Joshua Garcia para sa ASAP Natin ‘To Bay Area concert party slated on August 3, Saturday, at S.A.P. Center, San Jose, California.

Wala pa akong balita kung dumating na sa Amerika si Gerald Anderson.

Baka may taping ito sa bagong studio ng ABS-CBN sa San Jose del Monte City sa Bulacan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GORGY RULA: Iba naman ang kay Dennis Trillo, na sure siyang hindi niya ito nagawa sa dating nakarelasyon, lalo na kay Jennylyn Mercado.

“Parang hindi kasi puwedeng mangyari yun sa isang seryosong relasyon.

“Para sa akin, hindi puwedeng hindi pa alam na break na pala kayo, na ikaw lang ang nakakaalam.

“Ayoko kasing mangyari iyan sa akin, kaya ayoko ring gawin sa isang tao.

“Ako kasi ang tao na ayokong nakakasakit ng loob sa isang tao, e, sa kapwa.

"Kaya siguro hindi ko alam yun at ngayon ko lang narinig yung term na yun,” saad ni Dennis.

Siyangapala, itong Mina-Anud na first directorial job ng commercial director na si Kerwin Go ay magiging closing film ng Cinemalaya 2019 sa August 10.

Showing ito nationwide sa August 21.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close