Mylene Dizon, tikom ang bibig sa balitang may anak na ang anak-anakang si Julia Montes

IMAGE Instagram

GORGY RULA: Sobrang close pala si Mylene Dizon sa young stars na nakatrabaho niya, lalo na ang mga naging anak niya sa mga drama series na nagawa niya.

Gaya nitong sa Sahaya, close na close si Mylene kina Bianca Umali at Miguel Tanfelix na puring-puri niya kung gaano ka-professional sa trabaho.

Pero pinaka-love niya siyempre si Bianca na anak niya sa Sahaya.

“Silang dalawa ni Miguel, gustung-gusto ko,” bulalas ni Mylene nang nakatsikahan namin nitong Agosto 1, Huwebes, sa presscon ng Cinemalaya entry niyang Belle Douleur.

“They really think about their work. Hindi sila yung pariwara sa trabaho nila.

“Hindi nila pinababayaan ang kanilang trabaho… their responsibility sa trabaho nila.”

Kahit nasa GMA-7 siya, close pa rin siya at may communication daw siya sa mga Kapamilya young stars gaya nina Julia Montes, Kathryn Bernardo, Julia Barretto, at Joshua Garcia.

Kapag nakikita raw ni Mylene ang mga ito sa billboards, proud na proud niyang sinasabi na mga anak niya ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nanay, Mommy, Mama raw ang tawag sa kanya ng mga ito.

Nang tinanong namin kung madalas ba silang nagkukumustahan ni Julia Montes, napatango siya. Nagkukumustahan daw sila sa Viber.

“Na-enjoy magbakasyon, e,” pakli ni Mylene.

Pero nang hiningan namin ng komento tungkol sa napabalitang nabuntis ito, at nasangkot pa si Coco Martin sa isyung yun, hindi ito sinagot ni Mylene.

Wala raw siyang alam sa isyung 'yan.

Ang alam lang daw niya, nagbabakasyon pa si Julia Montes sa Germany.

Pero kung totoo man daw ang mga balita kay Julia, isa raw siya sa masaya para rito.

“I’ll be so happy for them if it’s true. Pero kailangan ko munang malaman, sila ba?” pahayag ni Mylene.

Nang huling naka-chat daw niya si Julia sa Viber ay may itinanong lang ito sa kanya tungkol sa pagluluto.

“In many instances, she sought my advice on how to cook her chicken,” safe na pahayag ni Mylene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkasama sina Mylene at Julia Montes sa ABS-CBN drama series na Doble Kara noong 2015.

JERRY OLEA: “Ask me no questions and I’ll tell you no lies.”

Beterana na sa showbiz si Mylene.

Sa dami ng napagdaanan niya, alam niya kung paano timbangin ang mga bagay-bagay.

“Some things are better left unsaid.”

Kering-keri ni Mylene na mag-share ng words of wisdom, tungkol man kay Julia Montes o Julia Barretto.

GORGY RULA: Hiningan din namin si Mylene ng reaksiyon tungkol kina Joshua Garcia at Julia Barretto. Napangiti lang siya.

Mas close daw siya kay Joshua dahil naging anak niya ito sa teleseryeng The Good Son.

Ano ang maipapayo niya sa anak-anakan niyang si Joshua sa gitna ng isyu nito with Julia Barretto?

Ani Mylene, “Manalig ka sa sarili mo. You trust yourself on what you feel.

"You’ll always have to be strong, you’re very young and many things can happen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Napakabata pa nila.”

NOEL FERRER: Si Mylene pa?! Madaling kausap at ang cool lang ng diskarte niya sa buhay. Ayaw niya ng stress.

Kaya ayaw na rin niyang ikasal. Iwas-komplikasyon na sa buhay.

Sana mahawa ni Mylene ang mga bagets sa maayos at praktikal na disposisyon sa buhay.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close