Hello, Love, Goodbye deadma sa malakas na ulan; umabot na sa P110.8M ang box-office gross

IMAGE Star Cinema

JERRY OLEA: Ulan kete ulan nitong Agosto 2, Biyernes, sa Kamaynilaan.

Buma-Bahamas Island sa iba’t ibang panig. Trapik!

Pero sa ibang parte ng lupang hinirang ay OK lang ang panahon.

Fiesta bonanza ang Pinoy moviegoers!

Sa ikatlong araw ng showing, P44.5M ang hinamig ng Hello, Love, Goodbye sa 430 sinehan—mas mataas kesa opening-day gross noong Wednesday (P34.5M) sa 350 sinehan, at second day gross noong Thursday (P31.8M) sa 390 sinehan.

Sa loob ng tatlong araw, ayon sa Star Cinema, naka-P110.8M ang pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

“I don’t love you!”

Dahil sa word-of-mouth, inaasahang lalakas pa ang KathDen movie ngayong Sabado at Linggo.

Tunay kasi ang pakilig nila, hindi eklay! Wagas! Hindi pathetic! Hindi fake news!

NOEL FERRRER: There are a lot of things to learn with the success of Hello, Love, Goodbye.

As of August 2, Friday, 430 theaters na ito nationwide.

At kikita pa ito nang bongga sa parallel sa international screenings!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

While I’m happy for the KathDen movie, I feel for my friend Bitoy.

Paano na ang mga dagdag na theaters sana para sa Family History?

Mailalaban pa kaya ito ng GMA Pictures? Or will it just remain a history?

GORGY RULA: Tuluy-tuloy pa rin ang block screenings para sa pelikulang ito.

Kagabi, August 2, sa Vertis North ay nagbigay naman ng block screening ang grupo ng Sunday PinaSaya.

Kuwento ni Jerald Napoles sa akin sa mediacon ng Mina-Anud kahapon, nakakausap niya si Alden pag nagkasama sila sa SPS.

Kabado raw si Alden, baka di tanggapin ng fans ang tandem nila ni Kathryn. Pero sinasabi raw niya kay Alden na sure siyang maghi-hit ito.

"Napaka-humble kasi ng taong iyan. Natatakot daw siya.

"Pero ako, bilang isang movie fan, alam ko talagang maghi-hit iyan. Kaya masaya talaga kami para kay Alden," saad ni Jerald.

Inaasahang papalo pa ito nang husto ngayong weekend, lalo na sa mga probinsya na hindi apektado ng tuluy-tuloy na pag-ulan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close