Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, excited na sa CoLove concert

IMAGE GMA Network
Heeding the clamor of their loyal YouTube followers, Dennis Trillo and Jennylyn Mercado take their CoLove series to the concert stage on February 15, 2020 at the New Frontier Theater, Quezon City.

GORGY RULA: Dahil nag-hit ang CoLove (as in “collaboration”) ng magkasintahang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa YouTube channel na “Jennylyn Mercado,” napagdesisyunan na nilang mag-concert.

Na-confirm na raw nila ang date sa February 15, 2020 sa New Frontier Theater (dating Kia Theater), Araneta Center, Quezon City.

Nagkasundo na rin daw sila sa title ng concert na CoLove Live.

“Nag-iipon na kami ng guests.

“Hindi na muna namin sasabihin sa ngayon,” pakli ni Dennis sa mediacon ng pelikula niyang Mina-Anud nitong nakaraang Biyernes, Agosto 2, sa 38 Valencia Events Place, Quezon City.

Nagustuhan ng viewers nila ang mga '80s at '90s na mga kanta, pero since concert ito, hahaluan nila ng iba pang klaseng kanta.

Siyempre, magda-drums din si Dennis sa ibang numbers.

“Siguro, magkakahalo dahil marami kaming kakantahin dun at ayaw naman namin limitahan sa '80s and '90s.

“Siguro, maghalo rin kami ng konting bago para naman sa iba,” saad ng Kapuso actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ideya raw ito ni Jennylyn dahil sa magandang feedback sa YouTube.

“Kasi, sabi niya, medyo maganda ang pagtanggap sa CoLove, so dapat maaga pa lang, ma-promote na natin.

“Mabuting pagkakitaan na rin namin,” napapangiti niyang pahayag.

JERRY OLEA: Busy sa kani-kanyang career sina Dennis at Jennylyn.

Meron ngang bagong movie si Dennis sa Star Cinema, ang A Family Ghost Story.

Si Jennylyn, dalawa ang regular show sa GMA 7: ang primetime series na Love You Two with Gabby Concepcion, at StarStruck (7th Season) na hinu-host nila ni Dingdong Dantes.

Nagsimula na rin si Jennylyn na mag-shooting ng movie with Coco Martin and Ai-Ai delas Alas.

Andiyan pa ang mga negosyo niya.

“Masaya ang puso ko!” bulalas ni Jennylyn sa mediacon noong Biyernes, Hulyo 26, sa GMA Network Center, matapos siyang mag-renew ng kontrata sa GMA-7.

Naglalaan lagi ng panahon sina Dennis at Jennylyn para sa isa’t isa.

Lalo silang nagba-bonding sa paggawa ng CoLove music videos para sa YouTube channel ni Jennylyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Magaling naman po talaga siyang kumanta,” sambit ni Jennylyn.

“Mataas talaga ang boses niya.”

More or less ay inaabot ng isang oras ang DenJen sa pagbuo ng bawa’t CoLove video.

“Nag-i-stick kami sa ‘80s, ‘90s na classics.

“So, ayaw naming gumawa ng mga bagu-bago. Kasi, ayaw naming makipagsabayan sa mga bago,” lahad ni Jennylyn.

“Ang hirap maging ano, di ba, teen-ager?! So, sabi ko, sige... ‘80s classics, ‘90s classics.

“Para maibalik naman namin sa inyo yung mga kanta noong araw, di ba, na magaganda talaga.”

Marami pang naka-line na gagawan nila ng music videos para sa CoLove!

NOEL FERRER: They’re known as actors.

Kayanin kaya nila ang concert stage?

Oo naman, pero knowing Dennis and Jennylyn na mataas ang standards ng artistry, they will have to practice and rehearse really well to make their concert really memorable.

Good luck, DenJen!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close