Julia Barretto at Joshua Garcia, pinagka-guluhan sa Amerika

IMAGE Courtesy of Bradford Adkins
Kapansin-pansin na hindi magka-holding hands sina Joshua Garcia at Julia Barretto sa BMW Lounge event sa San Jose, California.

JERRY OLEA: Pinagkaguluhan nang husto sina Joshua Garcia at Julia Barretto sa BMW Lounge event nitong Agosto 3, Sabado, para sa platinum ticket holders ng ASAP Natin ‘To Bay Area concert party sa San Jose, California, USA.

Base iyan sa mga litrato sa Facebook account ng Hollywood correspondent na si Bradford Adkins.

Kapansin-pansin na hindi magka-holding hands ang JoshLia.

Ginanap ang BMW Lounge event bago ang mismong show.

Hindi namataan ng PEP Troika source si Gerald Anderson sa rehearsal noong Agosto 2, Biyernes.

Naiulat namin dito na tinanggal si Gerald sa TV plug ng nasabing palabas, kung saan nadagdag naman si Catriona Gray.

Ayon sa source ng PEP Troika, si Gerald mismo ang nag-beg off sa ASAP Natin ‘To Bay Area.

Maliban kina Joshua at Julia, tampok sa nasabing palabas sina Kim Chiu, Maja Salvador at Pia Wurtzbach.

Natakot ba si Gerald sa “ghost”?

NOEL FERRER: Ang daming isyung kailangang harapin ni Gerald. Hindi kailangang isapubliko pero kailangan niyang harapin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At maliban sa kanyang mga personal na issue, harapin din niya ang kanyang pagiging aktor.

Dahil ang mga babaeng na-link sa kanya ay kinilala na sa galing nila bilang mga alagad ng sining.

Si Gerald ay nananatili pa ring Budoy bilang kanyang kontribusyon sa kalinangan.

GORGY RULA: Hindi naman naka-focus lang sa kanila ang ASAP Natin ‘To Bay Area show.

Nasa ASAP Natin ‘To presscon noong Thursday sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Gary Valenciano, Martin Nievera, Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Piolo Pascual, Billy Crawford, at Erik Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Excited na rin ang mga kababayan natin doon na mapanood ang Hello, Love, Goodbye nina Kathryn at Alden Richards, na sa loob ng apat na araw (Miyerkules-Sabado, Hulyo 31-Agosto 3) ay naka-P176.6M na.

Nandoon na rin si Kathryn para ma-promote ito.

‘Yan ang mga nakaka-good vibes na pag-uusapan.

Hindi iyang isyu nina Gerald, Julia, Joshua at Bea Alonzo na ang dami nang nakisakay.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close