Joshua Garcia at Julia Barretto, sweet-sweetan sa stage; Joshua, solo flight sa after-party

IMAGE Bradford Adkins Facebook

JERRY OLEA: Pasabog ang mga ganap sa two-part ASAP Natin ‘To Bay Area concert party nitong Agosto 3, Sabado, sa SAP Center, San Jose, California.

Sweet-sweet-an sina Joshua Garcia at Julia Barretto sa kanilang pagdu-duet. Naghawak-kamay sila.

“Ang sexy-sexy ni Julia! Hindi na ako nagtataka kung nainlab nga sa kanya si Gerald Anderson!” sabi ng Hollywood correspondent na si Bradford Adkins.

Nagtabi ang dalawang Miss Universe, sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray. Iba talaga ang gandang-Pinay!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabugan sina Regine Velasquez-Alcasid at Josephine “Banig” Roberto sa production number na magkasama sila. Sino ang nilamon nino?!

Si Enchong Dee, naghubad sa entablado. Talap-talap ang abs!

Nag-duet sina Martin Nievera & Pops Fernandez. Twogether forevermore?!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bonggacious din ang mga payanig ng MayWard (Maymay Entrata & Edward Barber) at nina Angel Locsin & Paulo Avelino (The General’s Daughter).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siyempre pa, ang paghataw ni Cardo Dalisay (Coco Martin)!

“Sabik ang audience kay Cardo! Well applauded ang Hagibis song & dance solo number niya!” sabi pa ni Bradford Adkins nang maka-chat ko via Messenger habang ongoing ang ASAP Natin ‘To Bay Area.

GORGY RULA: Kung ngayong buwan ng August mapapanood dito sa Pilipinas ang ASAP Natin ‘To show na ito sa Bay Area, pa-anniversary naman ang pantapat dito ng Sunday PinaSaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Month-long celebration ito kung saan ipagdiriwang nila ang kanilang 4th anniversary.

Mala-That’s Entertainment daw ang gagawin nila kung saan igugrupo sila at magpapakitang-gilas sa kani-kanilang production number. Kaya kakaririn nila ang mga prod numbers.

Pero ang isa raw sa gustung-gustong gawin ng mga taga-SPS ay ang isang segment nilang Pusong Gala, kung saan may heart na mascot silang nag-iikot kung saan-saan para makakita ng mga taong tutulungan nilang maipalabas ang kanilang exceptional talent.

Posibleng bumalik na rin si Marian Rivera sa Sunday PinaSaya para roon na rin niya i-celebrate ang kanyang kaarawan.

JERRY OLEA: Natapos ang two-part ASAP Natin ‘To Bay Area concert party sa San Jose, California Hotel nang hindi nasilayan maski anino ni Gerald Anderson.

Wala siya sa hotel na tinuluyan ng celebrities.

Wala siya sa rehearsal noong Agosto 2, Biyernes.

Wala siya sa presscon noong Agosto 1, Huwebes.

Hindi siya namataan sa airport.

Totoo bang maraming Pinoy fans sa Amerika ang galit kay Gerald dahil sa ghosting nito kay Bea Alonzo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siyanga pala, solo flight si Joshua sa after-party ng ASAP Natin ‘To Bay Area.

Hindi niya kasama si Julia.

“I had a chat with Joshua. Hurting ang bagets pero hindi nagsasalita tungkol sa isyu nila nina Julia at Gerald,” dagdag na kuwento ni Bradford Adkins.

“Panay ang smile niya. Naawa ako sa kanya.”

NOEL FERRER: Oo naman, ASAP has more to offer than the Gerald Anderson controversy.

But how true na may mga kababayan tayo sa U.S. ang nagbantang magboykot ng ASAP kapag kasama si Gerald kaya minarapat na lang na umiwas sa kung anumang embarrassing situation? Just asking.

But of course, ASAP is already an institution that will stand, with or without Gerald!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close