Kathryn-Alden movie, malalampasan na ang LizQuen movie; malampasan din kaya ang KathNiel movie?

IMAGE @aldenrichards02 Instagram / The Hows of Us trailer
Kathryn Bernardo-Alden Richards movie, umabot ng PHP250 million in four days.

JERRY OLEA: Naka-PHP250M ang Hello, Love, Goodbye sa loob ng limang araw—mula Hulyo 31, Miyerkules, hanggang Agosto 4, Linggo—na pagpapalabas nationwide.

Ikatlong pinakamalakas na opening ito ng pelikulang Pinoy sa kasaysayan, behind Fantastica (Vice Ganda) and The Hows Of Us (Kathryn Bernardo & Daniel Padilla).

Of course, hindi iyan adjusted sa inflation.

Konting kandirit na lang, malalampasan na ng pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang PHP287M na kinita ng LizQuen movie na Alone/Together.

Sa hanay ng local movies this year, ito ang pinakamalakas ang five-day opening.

Ang day-to-day box-office gross ng KathDen movie:

PHP34.5M noong Hulyo 31, Miyerkules sa 350 sinehan.

PHP31.8M noong Agosto 1, Huwebes sa 390 sinehan.

PHP44.5M noong Agosto 2, Biyernes sa 430 sinehan.

PHP65.8M noong Agosto 3, Sabado sa 450 sinehan.

PHP73.4M noong Agosto 4, Linggo sa 465 sinehan.

Hello, Love, Monday!!!


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOEL FERRER: Heto ang comparative box office figures (cumulative) ng Hello, Love, Goodbye at The Hows Of Us:

1 day: PHP34.5M vs. PHP35.9M

2 days: PHP66.3M vs. PHP70.7M

3 days: PHP110.8M vs. PHP116.9M

4 days: PHP176.6M vs. PHP197M

Inaasam ng KathDen followers ang Road to PHP500M, pero kung makakaabot ng konti sa PHP1B ng THOU, why not?

And from 300 cinemas to 350 to 380 to 420 to 450 and now 465 na!

Para sumakto sa Road to PHP500M, puwede ring Road to 500 Cinemas. Hindi masama ang mangarap.

Pero maganda ang sabi ni Mico del Rosario na taga-Star Cinema sa isang nag-post comparing the grosses: “This is not a race, it is about exploring ways to tell good stories of our countrymen in all parts of the world.”

Congratulations!

GORGY RULA: Kapag mabuti kang tao, lahat ay masaya sa success na tinatamasa mo.

Iyan ang sinasabi ng lahat na mga nakatrabaho ni Alden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya silang lahat sa magandang resulta ng Hello, Love, Goodbye. Patuloy pa rin silang sumusuporta sa naturang pelikula.

Pagkatapos magpa-block screening ang grupo ng Sunday PinaSaya noong nakaraang Biyernes, August 2, bukas naman daw ay baka matuloy na rin ang panonood ng ilang Dabarkads ni Alden sa Eat Bulaga.

Kasama na kaya roon si Maine Mendoza na manonood?

Iyan ang gusto kong abangan kung ano ang nararamdaman ni Maine sa naturang pelikula, lalo na’t sinusuportahan niya ito at masaya siya sa box-office success ng Hello, Love, Goodbye.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close