Sunshine, Mylene, Anne, Angel kabugan sa pagiging cougar sa pelikula

IMAGE Malamaya / Belle Douleur / Just A Stranger / Glorious

JERRY OLEA: Pasabog ang cougar-cub relationship nina Angel Aquino at Tony Labrusca sa digital movie na Glorious, na nag-streaming simula November 2018 sa iWant.

Bago pa man iyon sumiklab ay kasado na ang pagsasapelikula ng 15th Cinemalaya entries na tumatalakay sa romansa ng “sariwang kabayo, matandang damo”—Malamaya nina Sunshine Cruz at Enzo Pineda at ang Belle Douleur nina Mylene Dizon at Kit Thompson.

Showing na ang mga ito ngayon sa Cultural Center of the Philippines, at may commercial release nationwide umpisa Agosto 14.

Sa Agosto 21 naman ang commercial release ng Just A Stranger kung saan nagka-affair sina Anne Curtis at Marco Gumabao.

Natapos na rin nina Iza Calzado at Jameson Blake ang six-part digital series na 400 Miles, na hopefully ay mag-streaming na sa iWant next month.

Kabugan sa pagiging cougar sina Angel (46 y/o), Sunshine (42 y/o), Mylene (42 y/o), Anne (34 y/o), at Iza (turning 37 on August 12).

And the winner is... Yayo Aguila?!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabogera ang laplapan ng 51-anyos na si Yayo at 23-anyos na si Royce Cabrera sa F***bois, ang pinakamapangahas na palabas ng Cinemalaya 2019!

NOEL FERRER: Markado ang cameo ni Yayo sa F***bois and I truly admire her sa pagiging mapangahas, matapang at mahusay sa pagtanggap ng roles sa pelikula.

Clap, clap, clap tayo kay Yayo na tunay na may commitment sa sining. I am excited with the other things that she can do.

Oh well, speaking of May-December affairs, gaano katotoo, ka-Troikang Gorgy, na can-identify ka sa mga eksena at dialogue nila onscreen?

Iyong troooot lang...

GORGY RULA: Naka-identify ang kabadingan sa F#*@bois, pati na sa Belle Douleur ni Atty. Joji Alonso.

Pero marami talaga ang natuwa sa mapangahas na role ni Yayo. Saka malaking bagay talaga kapag napaarte ang lahat na mga artistang involved.

Pati mga baguhang sina Royce Cabrera at Kokoy de Santos ay maayos ang pagganap bilang F-boys.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang outstanding talaga dito sa lahat ay si Ricky Davao.

Sobrang galing niya rito at puwede siyang mag-uwi ng Balanghai trophy sa Best Supporting category. Napakagaling!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close