Julia Barretto, hindi sinagot kung may namamagitan sa kanila ni Gerald Anderson

IMAGE Instagram
Paano kaya sasagutin ni Bea Alonzo ang alegasyong bullying ni Julia Barretto?

JERRY OLEA: Hulyo 20, Sabado, dumalo sina Julia Barretto at Gerald Anderson sa birthday party ni Rayver Cruz sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Hulyo 21, Linggo, mahiwaga ang post ni Bea Alonzo sa Instagram.

Ibinalita iyon agad sa online news sites at kinabukasan ay lumabas din sa TV Patrol.

Hulyo 25, Huwebes, pangiti-ngiti at patawa-tawa si Joshua Garcia sa mediacon ng Kapamilya multo-seryeng The Killer Bride.

OK lang daw siya at naka-focus sa trabaho.

Hulyo 26, Biyernes, ibinunyag ni Bea Alonzo sa storycon ng bago niyang teleserye na basta na lang siya hindi kinausap ni Gerald Anderson.

“Ghosting” ang tawag doon.

Agosto 1, Huwebes, umpisa ng Ghost Month sa Chinese calendar. Tatagal ito hanggang Agosto 29.

Sa mga mapamahiin, lalo na sa mga negosyante, walang dapat malaking desisyon sa Ghost Month.

Agosto 3, Sabado, wala si Gerald sa ASAP Natin ‘To Bay Area sa San Jose, California.

Before the show, pinagkaguluhan sina Joshua and Julia sa meet-and-greet pero hindi sila naghawak-kamay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

During the show, sweet sila na nag-duet at nag-holding hands.

Sa after-party, mag-isa si Joshua habang kumakain. Tinabihan siya nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Na-bash si Julia.

Nag-tweet si Julia na kesyo desisyon ni Joshua na magsolo, na ine-enjoy nito ang pagpapaawa, na hindi ito nakakaawa.

“Wait lang,” tweet pa ni Julia na may himig-pagbabanta.

Agosto 5, Lunes, nagsalita na si Gerald at sinabing lagi silang nag-aaway ni Bea, hanggang nagkaroon sila ng big fight, at hindi na niya ito kinausap.

Agosto 6, Martes, inakusahan ni Julia ng bullying si Bea via Instagram.

Diretsong Bea na ang tawag dito ni Julia, samantalang dati ay “Ate” ang tawag niya rito dahil nagsama sila sa teleseryeng A Love To Last (2017).

Komento ng tiya ni Julia na si Gretchen Barretto, may ghostwriter si Julia.

Pumapel sina Gretchen at Bea bilang mag-ate sa Kapamilya teleseryeng Magkaribal (2010).

NOEL FERRER: From GHOSTING to GHOST WRITERS—ngayong GHOST MONTH, beware of your own GHOSTS.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para sa akin talaga, may punto ang mga kaibigan ko sa advertising, dahil wala namang binanggit na pangalan si Bea sa kanyang post, wala siyang provisions na na-violate, lusot siya sa ASC or AdBoard.

Parang batu-bato sa langit, ang tamaan, GUILTY?

Hayaan na sana ni Bea na kumuda at magsalita ang kung sinuman.

Her DIGNIFIED SILENCE separates her from the rest. She is, after all, the MOVIE QUEEN of her batch. Keep that class act!

GORGY RULA: Kaya lang, tila hindi diretsahang sinagot ni Julia ang isang malaking isyu.

May relasyon ba sila ni Gerald?

Ang sinabi lang niya, “I believe Gerald has already made it clear that a third party was not the cause of their break up.

“I would like to disassociate myself from the break up of Bea and Gerald. Their issues are entirely their own.”

Inilabas ni Julia ang sarili sa isyu ng dalawa. Pero wala siyang binanggit kung anong meron sa kanila ni Gerald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkasama lang talaga sa pelikula at pagkatapos noon, wala na?

Maaaring hindi siya ang dahilan ng breakup nina Gerald at Bea, pero wala ba talagang namagitan sa kanilang dalawa?

Although itinanggi na niya iyan noon sa nakaraang interviews, pero bakit hindi niya uli nilinaw iyon sa mahaba niyang statement?

Hindi ba puwedeng itanggi niya uli sa mahabang post na iyon? Lumabas ang pagka-Barretto ni Julia sa inilabas niyang statement na iyon.

Matapang at mukhang kaya niyang lumaban nang harapan.

Kung hindi si Marjorie ang makakatapat ng mga kapatid niyang sina Gretchen at Claudine, maaring si Julia ang tatapat at lalaban sa dalawang tiyahin niya.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close