Tambalang Maine Mendoza at Carlo Aquino, mapakilig kaya ang moviegoers?

by PEP Troika
Aug 8, 2019
Maine Mendoza on kilig factor on her teamup with Carlo Aquino: "Sakto lang naman. Hindi siya outright kilig-kiligan, pero… hindi ko masabi. Hindi ko matantiya."
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA: Pagkatapos kiligin ni Maine Mendoza kina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa Hello, Love, Goodbye, hindi pa raw niya masabi sa ngayon kung kilig-kiligan din ba ang tambalan nila ni Carlo Aquino sa pelikulang Isa Pa With Feelings.

Nakaisang araw pa lang silang mag-shoot, pero natutuwa siya dahil masaya lang daw sila sa set, at napatunayan niya agad na magaling talagang aktor si Carlo.

“Sakto lang naman. Hindi siya outright kilig-kiligan, pero… hindi ko masabi. Hindi ko matantiya.

“Tingnan na lang natin kapag mabuo na namin, pag lumabas na ang trailer kung kiligin ang mga tao,” pakli ni Maine nang sandali ko siyang nakatsikahan sa story conference ng MMFF 2019 entry nila ni Vic Sotto na Mission Unstapabol, The Don Identity nitong Agosto 7, Miyerkules, sa Novotel Hotel, Quezon City.

“Magaling si Carlo, wala akong masabi. Magaling siya talaga.

“Pero mga light scenes pa lang po kasi ang nagagawa namin, and nakaisang araw pa lang kami.

Continue reading below ↓

"So, tingnan natin,” sabi pa niya.

May kissing scene ba silang dalawa sa pelikulang ito?

“Iyon po ang hindi ko alam, kasi pinag-uusapan pa,” nakangiting sagot ni Maine sa akin.

JERRY OLEA: Refreshing ang tambalang CarMaine.

Kailangan lang na maayos ang timpla, para magpakilig sila nang bonggang-bongga.

Hindi natin inaasahan na papantay o lalagpas ang Isa Pa With Feelings sa Hello, Love, Goodbye... pero malay natin, di ba?

Kung matatagalan pa ang muling pagtatambal ng KathDen, at hindi na rin muna magpa-partner ang KathNiel... ano kaya kung subukan ang tambalang Kathryn-Carlo, at mag-partner muli sina Alden at Maine?

Sa tamang panahon...

NOEL FERRER: Aktingan at pakiligan.

Mas mature naman siguro ito at hindi pa-tweetums.

Iyan ang expectation ko sa CarMaine movie.

Walang love angle sa promo. Like KathDen, materyal ang iha-highlight.

Tuloy ang pagpapasaya sa mga tagahanga. Hindi ito laban!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maine Mendoza on kilig factor on her teamup with Carlo Aquino: "Sakto lang naman. Hindi siya outright kilig-kiligan, pero… hindi ko masabi. Hindi ko matantiya."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results