Maine Mendoza, napanood na at kinilig sa movie nina Alden at Kathryn

IMAGE Gorgy Rula
Magkasama muli sina Vic Sotto at Maine Mendoza sa MMFF 2019 entry na Mission Unstapabol: The Don Identity. Pero, for the first time, hindi mag-ama ang kanilang roles.

GORGY RULA: Ginanap ang story conference ng MMFF 2019 entry ng APT at MZet Films na Mission Unstapabol: The Don Identity nitong Agosto 7, Miyerkules ng hapon, sa Novotel Hotel, Quezon City.

Dumalo ang mga bidang sina Vic Sotto at Maine Mendoza, pati ang co-stars nilang sina Jake Cuenca, Tonton Gutierrez, Jelson Bay, at Pokwang.

Sabi ni Bossing Vic, first time nilang magsasama ni Maine na hindi sila mag-ama. Parang magkakontra raw sila rito.

Ibang-iba ito sa mga unang nagawa ni Vic, at excited si Maine dahil gusto raw niyang malaman kung ano ang takbo ng kuwento na hindi sila magkakampi ni Bossing Vic.

Pakli ni Maine, “For a change, di ba?

"Excited kaming malaman kung ano ba yung takbo nung movie, at kung ano ba yung atake.

"Kasi, hindi kami sanay na hindi kami mag-ama.

“Sa lahat na nagawa namin, puro kami magkakampi.”

Sabi naman ni Bossing Vic, “Para sa akin, first time itong gagawin kong pelikula, at first time din naming magsama ni Maine na hindi kami mag-ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang role dito ni Maine, another challenge for her na hindi pa-cute lang. Ito, complete package sa kanya.”

Kuwento raw ito ng isang pamilya na makaka-relate ang lahat.

Doon din sa storycon ay nabanggit sa amin ni Maine na napanood na niya ang Hello, Love, Goodbye.

“Kanina lang nanood kami. Maganda siya.

"Magaling silang dalawa, 'tapos napapakilig ako," nakangiti niyang pahayag.

Nakakakagat daw ni Maine ang kanyang daliri kapag kinikilig siya kina Alden at Kathryn.

“Happy ako sa kanila,” sabi pa niya.

JERRY OLEA: Ayan, ha?! Sumuporta si Maine Mendoza sa Hello, Love, Goodbye hindi lang sa salita, kundi pati sa gawa.

Nasisiguro kong manonood din si Alden Richards ng Black Sheep movie ni Maine with Carlo Aquino, ang Isa Pa With Feelings, pag palabas na ito.

Good vibes pa more!

NOEL FERRER: Good luck, Bossing Vic at Maine sa inyong MMFF 2019 entry!

Mukhang itinaas ang bar o standard ng entries ngayong 45th edition ng MMFF kaya excited ako sa kalalabasan ng entry na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Good vibes tayo rito!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close