Gabby Concepcion, kapalit ni Derek Ramsay sa movie with Kris Aquino

IMAGE Noel Orsal
Bagamat wala pang kumpirmasyon, inanunsiyo ng talent manager ni Gabby Concepcion na si Lolit Solis na ang aktor na ang magiging leading man ni Kris Aquino sa (K)ampon.

JERRY OLEA: Pinalitan ni Gabby Concepcion si Derek Ramsay bilang leading man ni Kris Aquino sa MMFF 2019 official entry na (K)ampon.

Inihayag iyan ni Manay Lolit Solis nitong Agosto 7, Miyerkules, sa Instagram.

Dagdag ni Manay Lolit, may cameo si Herbert Bautista sa nasabing horror movie.

Komento pa ni Manay Lolit, para iyong Alpha at Omega, Simula at Wakas.

Si Gabby raw ang first love ni Kris, samantalang si Herbert ang huling BF nito.

Abangan natin ang KrisTek sa December filmfest!

View this post on Instagram

Meron nangyayaring mga pagbabago sa gagawing horror movie ni Kris Aquino Salve. Bigyan kita pang headline mo, hindi na si Derek Ramsay ang magiging leading man. At naloka ako na parang Alpha Omega ang project na ito ni Kris. Iyon very first crush niya at iyon huling love niya makakasama niya sa Kampon. Hindi ko ma imagine kung ano mga naughty things ang mangyayari sa set, knowing kapilyahan ni Kris Aquino, sure ako iiral ang pagka-maldita niya at gagawa eksena. Ito na ang pang headline mo Salve, si Gabby Concepcion ang magiging partner niya at isasali sa cast sa very special role si Herbert Bautista. First crush niya si Gabby, last na naging boyfriend niya si Herbert, Alpha Omega di bah. The beginning and the end. #classiclolita #takeitperminute #72naako #pilipinostarngayonshowbiz @salveasis

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

NOEL FERRER: As far as the MMFF Secretariat is concerned, wala pang natatanggap na pasabi mula sa produksiyon ng K(ampon) tungkol sa pagbabago ng kanilang lead actor.

Ang Viva, lumiham sa MMFF Secretariat kaugnay sa pag-beg off ni Nadine Lustre sa Miracle in Cell No. 7, kung saan si Bela Padilla ang pumalit.

GORGY RULA: Wala pang official statement ang Quantum kung si Gabby na ba talaga.

Pero sa palitan ng mensahe nina Gabby at Kris, parang ganoon na nga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pati sina Kris at Derek ay may mga mensahe rin sa isa’t isa, na tila pinag-usapan nang matagal ang desisyon nila sa proyektong ito.

Sa isang post ni Kris, nag-wish lang si Derek na “enjoy your happy place” na ang pagkakaintindi ko, pagkatapos niyang magbakasyon sa itinuturing niyang ‘happy place’ ay sasalang na si Kris sa trabaho, at maaring ito na iyung pagsisimula niya ng shooting sa proyektong ito.

May sagot si Kris kay Derek kung saan nabanggit pa niya si Andrea Torres.

Sabi ni Kris kay Derek, “Please tell @andreatorres to not text me with ‘po’ in her message? I’m not going to be her mother-in-law.

“Glad we had that long talk and came to an understanding about our scheduling conflicts because you’re right, people don’t throw away almost 15 years of friendship because of a movie. My love to Tita Medy. And looking forward to seeing your whole family soon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isa namang post ni Kris ay doon nag-message si Gabby ng thumbs up emoji.

Sabi ni Kris sa kanya, “Looking forward to working with you soonest and also meeting your family.”

Humirit pa si Kris na looking forward din daw siya ng reunion movie nina Gabby at Sharon Cuneta.

Willing pa raw siyang mag-co-produce dahil noon pa man ay fan na siya ng tandem nina Gabby at Sharon.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close