Indak nina Nadine Lustre at Sam Concepcion, humataw rin ba sa takilya?

IMAGE Screengrab from Indak trailer
Box-office gross ng movie nina Nadine Lustre at Sam Concepcion, hindi pa aabot sa PHP10 million?

GORGY RULA: Ewan ko lang, pero ini-expect siguro ng mga taga-Viva Films na hindi talaga papalo nang husto sa takilya ang pelikulang Indak nina Nadine Lustre at Sam Concepcion.

Hindi ko lang ma-share sa inyo, mga ka-Troika, kung magkano ang kinita nito sa first day of showing noong Agosto 7, Miyerkules, kasi hindi talaga OK.

Ang nakakapanlumo pa, ayon sa aking source, halos 35 percent ang ibinaba nito sa pangalawang araw (Agosto 8).

Kaya ang tantiya nila, mahihirapan itong maka-PHP10M sa buong run ng naturang pelikula.

Ang nakalulungkot pa, hindi naikumpara ito sa box-office success ng Hello, Love Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Aware tayo na sina Nadine at Kathryn ang pinagtatapat.

Sa takbo ng mga pangyayari, naungusan tuloy nang milya-milya ni Kathryn si Nadine.

Bakit kasi hindi na lang muna iniatras ng Viva at naghintay ng ibang playdate para maplano pa nang mabuti ang promo?

Ang latest pang nasagap ko, nabawasan ito ng mga sinehan at ibinalik na sa Hello, Love, Goodbye at Hobbs & Shaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa sa aking source, na ikinagulat ko, nabigyan pa raw ng 20 cinemas ang Family History ni Michael V?

Nanghinayang lang ako, dahil humakot pa naman ng best-actress awards si Nadine mula sa hindi basta-bastang award-giving bodies, kaya sana ay na-handle siyang mabuti.

Totoo ba, Sir Noel, na tila inilaglag si Nadine ng Viva base sa sulat na ipinadala nila sa Metro Manila Film Festival (MMFF) noong ni-request nilang si Bela Padilla na ang ipalit sa Miracle in Cell No. 7?

JERRY OLEA: Nag-open ang Indak noong Agosto 7, Miyerkules sa 137 sinehan—44 sinehan sa Metro Manila, 52 sinehan sa Luzon, at 41 sinehan sa Vismin.

Usap-usapan na iyong eighth-day gross ng KathDen movie ay mas malakas pa sa first-day gross ng Indak.

Nanlumo ako na bago mag-showing ang Indak, nagpa-presscon na ang Viva para sa pelikula nina Anne Curtis at Marco Gumabao na Just A Stranger. Natabunan tuloy sa promo ang Indak.

Tweet ng Viva Films, may international screenings din ang Indak— Singapore at Dubai sa Agosto 15; Kuwait, Qatar, Bahrain, at Oman sa Agosto 22; at USA sa Agosto 3.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maraming cable channels ang Viva, kaya mababawi rin siguro ang puhunan nila sa movie nina Nadine at Sam.

NOEL FERRER: Nakakalungkot ang sinapit ng Indak ni Nadine.

Masaya ako at nadagdagan ng sinehan ang Family History.

Mukhang nakatulong din ang walang pasok para madagdagan ng audience ang 15th Cinemalaya entries at ang Hello, Love, Goodbye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close