Xian Lim, tanggap ang mixed reviews sa kanyang directorial debut

IMAGE Gorgy Rula / Screengrab from Tabon trailer
Ang ina ni Xian Lim ang ka-date niya sa gala night ng kanyang directorial debut, Tabon, sa Cinemalaya 2019.

GORGY RULA: Pinabulaanan ni Xian Lim ang napag-uusapang marami siyang ni-reshoot sa Cinemalaya 2019 entry niyang Tabon.

Nilinaw ng first-time director na wala siyang binago sa mga nakunang eksena. May ilang idinagdag lang daw siyang eksena.

"Nandoon pa rin po kami sa maximum ceiling ng Cinemalaya.

"Kumbaga, para po sa akin kasi, meron kaming tinatawag na unang run ng shooting days namin, and nilatag ko muna siya and pinanood.

"And after watching it, I already knew na kailangan pang mag-additional days. It’s more on additional, not really reshoot.

"Kung ano man iyong hinihingi ng pelikula, nandoon ako, e.

"Parang bata siya na hangga’t hindi pa siya naipapanganak, I will give whatever I can para pagandahin pa yung pelikula." 

Ito ang paliwanag ni Xian nang nakatsikahan namin sa gala night ng entry niyang Tabon, na ipinalabas sa Cultural Center of The Philippines (CCP), nitong Agosto 7, Miyerkules.

Tanggap ni Xian ang mga opinyon ng mga nakapanood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Merong mga nagandahan, merong OK lang sa kanila, at may ilan ding hindi nagustuhan.

Handa silang merong hindi nagandahan sa pelikula, dahil kanya-kanyang interpretasyon daw iyon.

"I was already prepared for it, for whatever the interpretations maybe.

"Upon writing it naman, and upon shooting it, we're aware na… I mean, prepared kami in the back of our heads na ito talaga yung…

"I just wanna stay true sa vision and I didn't wanna let it go maski sa...

"Kasi, matitibag at matitibag yun, e, once pakinggan iyong sinasabi ng iba.

"But once nandun iyong vision, iyon lang talaga ang ina-anchor-an ko," saad ng aktor.

Kapansin-pansing masayang-masaya si Xian dahil nakita niya kung gaano kasaya at proud ang mommy niya, na kasamang dumalo sa gala night. 

Kaya lalo siyang na-inspire na magdirek pa. Meron na siyang binubuo ngayon na isa pang kuwentong gusto rin niyang isapelikula.

JERRY OLEA: Sa presscon pa lang ng Cinemalaya 2019, sinabi na ni Xian na ang istorya ng pelikula ay inspired ng Twilight Zone at mga kuwento ni Ray Bradbury.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumbaga, may misteryo. May twist.

Si Xian ang direktor. Hayaan natin siya sa kanyang vision. Huwag nating ipagsaksakan sa kanya iyong alam at gusto natin.

NOEL FERRER: Iba talaga ang mga mahal ni Alwyn Ignacio. Namumukod-tangi sa Cinemalaya.

Noon, si Perry Escaño. Ngayon naman, si Xian Lim.

Katulad ng palaging sinasabi, baptism of fire nila ang Cinemalaya.

Sana, lalong umunlad ang kanilang pagiging direktor sa ibayo pang pagsasanay.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close