Dingdong Dantes, balik-sayaw sa StarStruck

IMAGE Noel Orsal
Dingdong Dantes shows off his dance skills once more for StarStruck's opening number tonight.

GORGY RULA: Mamayang gabi sa StarStruck ay pagbibigyan ni Dingdong Dantes ang request ng fans na sumayaw siya.

Medyo umiiwas na kasi ang GMA Primetime King na magsasayaw dahil feeling niya, ibigay na lang iyon sa mga bagets.

Pero sa opening number ng StarStruck na mapapanood mamayang gabi, tuwang-tuwa ang  fans sa loob ng studio ng StarStruck kahapon nang magkaroon ng reunion ang mga sikat na founding members ng mga sikat na dance group noong ‘90s.

Kasama ni Dingdong ang pinsan niya at ka-miyembro sa Abztract Dancers na si Arthur Solinap, sina Jon Supan at Rena Sagaran ng Manoeuvres, Jim & James Salas ng Universal Motion Dancers (UMD), at Danilo Barrios & Chris Cruz ng Streetboys.

Ang saya ng hatawan nila na dapat abangan sa StarStruck mamayang gabi.

Mapapanood din ang maaksyong acting test ng walong finalists kung saan kaeksena nila si Jean Garcia under the direction of Dominic Zapata.

Malalaman din mamayang gabi kung sino sa dalawang finalists ang makakakuha ng lowest scores para makalaban sa aktingan challenge ang dalawang previously confirmed bottom placers na sina Jeremy Sabido at Ella Cristofani.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas din malalaman kung sino sa boys at girls ang magpapaalam pagkatapos nilang maglaban-laban sa aktingan challenge.

NOEL FERRER: Sana, suportahan ang pagsayaw ni Dingdong ng kanyang iniendorsong gatas dahil in line ito sa reunion nila ng dance legend na si Geleen Eugenio.

Sino na ba ang nakakalamang sa StarStruck ngayon? Alin ang mas nagre-rate sa kanila ng The Voice Kids?

Interesting kung aling talent search ang mas kakapitan ng mga tao.

For the audience, maganda ito at pagandahan na lang ng mga programa.

Tulad ng lagi kong sinasabi, sa huli’t huli, ang audience dapat ang magwagi!

JERRY OLEA: Paminsan-minsan na lang ang pagsasayaw ni Dingdong, kaya OK lang.

Patunay iyan ng kanyang pagiging multi-talented.

Teka! Kumakanta-kanta rin si Dingdong, di ba?!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close