Tonton Gutierrez, pinagdudahang tomboy ang anak na dalaga

Tonton Gutierrez (shown with wife Glydel Mercado and two daughters Aneeza and Aneeka) feels relieved that his eldest daughter is not a tomboy.

GORGY RULA: Kinumpronta ni Tonton Gutierrez ang panganay niyang anak na si Aneeza kung tomboy ba ito.

Nagdududa kasi ang aktor dahil sa mga kilos nito at hindi raw sanay magbihis ng damit pambabae ang 14-year old daughter niya. Gusto ni Aneeza, naka-T shirt lang at jeans.

Minsan ay seryoso niyang kinausap ang bagets kung ano talaga siya.

“Kinausap ko siya nang mabuti kung ano ba siya talaga.

“Ipinaliwanag ko sa kanya na sa amin ng mommy niya, okay lang.

“At least, mabuti na ring ma-open niya sa amin na agad and it would be easier for her,” kuwento sa amin ng aktor nitong Sabado, Agosto 10, nang mag-renew siya ng kontrata bilang brand ambassador ng Beautederm kasama ang asawa niyang si Glydel Mercado.

“Parang nagulat siya, na nagtataka sa akin, yung… ‘Saan nanggaling iyan, Dad? Saan galing iyang tanong mong iyan?’

“’No. I’m a girl,’” natatawa niyang kuwento sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi raw ng anak niyang kumportable lang itong magsuot ng jeans at T-shirt, pero sure daw itong girl siya.

Naniniwala kasi si Tonton na dapat lahat ay i-open ng mga anak sa kanilang mga magulang.

Iyong mga ganoong bagay kasi, minsan mga magulang pa ang huling nakaalam. Kaya dapat maging sensitive daw ang mga magulang sa kanilang mga anak at i-encourage na sa kanila muna i-open bago sa ibang tao, para maramdaman nitong tanggap siya sa pamilya.

“Sa amin naman ni Glydel, sakaling ganun nga siya, it should be okay because at the same time, it wouldn’t be a problem for the child. Kasi, iyung iba, nagtatago lang kaya nagkakaroon ng problema.

“Minsan, it can lead into suicide… it can lead into something else.

“Pero kung alam nila na parang kumportable naman pala yung parents namin with my gender, then it will be easier for the child,” dagdag na pahayag ni Tonton.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon ay sobrang happy sila ni Glydel sa dalawa nilang anak na babae. Kahit mahiyain ang mga ito, unti-unti na raw silang naging kumportable sa kanilang trabaho sa showbiz.

Susubukan na raw ng anak nilang si Aneeza na lumabas sa isang pelikulang Spirit Warriors na balak isali sa Metro Manila Film Festival.

Si Glydel na katatapos lang sa Kara Mia ay abala raw muna sa bagong business sa Beautederm dahil naging Mega distributor na siya nito.

Mabenta raw ito online, kaya kahit nasa gitna ng tapings at shootings, nakakabenta siya.

NOEL FERRER: Maganda yung may acceptance sa pamilya pa lang kung anuman ang sexual preference/orientation ng anak.

Maganda yung napoproseso ang kahit na anong usapin sa pamilya pa lang, at magandang natsa-challenge din ang ating stereotypes lalo na sa LGBTQ+ members.

Dahil diyan, lumalawak ang pag-unawa, at pagmamahal.

JERRY OLEA: Nakakatuwa si Tonton. Buo ang pagmamahal at pagmamalasakit niya sa mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa siyang magandang halimbawa.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close