Pauleen Luna, nilinaw na hindi siya ang baby sa viral throwback pic with Vic Sotto

IMAGE @pauleenlunasotto Instagram / CTTO
Pauleen Luna (left) corrects misleading claim alleging that she is the baby cradled by Vic Sotto in viral throwback photo (right).

GORGY RULA: Nilinaw ni Pauleen Luna sa PEP Troika na hindi siya yung batang kalung-kalong ni Vic Sotto sa isang black & white picture na ikinalat ng isang netizen.

Nakalagay sa caption ng litrato, “Vic Sotto and Pauleen Luna. Akalain mo, sila pala ang magkakatuluyan. Kaya sa mga single diyan, wag kayong mag-alala. Baka yung forever nyo, fetus pa.”

Ang anak ni Vic na si Paulina raw yung baby na nasa litrato at hindi siya.

Si Paulina ang anak ni Vic sa dating aktress na si Angela Luz.

Unfair daw sa asawa niyang paglaruan ito ng kung sino mang nagkalat ng picture.

“Hindi ako yun, kuya! Si Paulina yun. Sarap nga idemanda yung site na nag-post niyan!” text sa akin ni Pauleen nang tinanong ko kung siya nga iyun.

Mabuti at hindi pa raw ito nakarating kay Bossing Vic kaya hinahayaan na lang niya.

Yung sa kanya raw ay yung nasa video nung six years old siya nang sumali siya sa Little Miss Philippines na si Bossing Vic pa ang nag-interview sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi yung sanggol pa lang, nagkita na sila ni Bossing Vic.

Ang pagkakaalam niya, 1 or 2 years old pa lang si Paulina sa litrato na iyun. Kaya sana, huwag daw silang paglaruan para mapansin lang.

JERRY OLEA: “Oh yes, the woman in the picture is me.”

Linya iyan ni Rose Dawson Calvert (Gloria Stuart) sa pelikulang Titanic (1997).

To paraphrase, kering i-hanash ni Pauleen, “Oh no, the baby in the picture is not me!”

Mabuti at nilinaw yan ni Pauleen ASAP. Halos kapangalan kasi ni Pauleen si Paulina, at kahawig ni Pauleen ang sanggol sa larawan na ang nakalagay sa t-shirt, “My heart belongs to Daddy.”

GORGY RULA: Sobrang nakatutok ngayon si Pauleen sa baby nilang si Talitha.      

Sobrang kulit na raw kasi ngayon at lagi siyang hinahanap.

“Mommy na nang Mommy pag wala pa ako. Kaya nakukunsensya ako kapag wala pa ako sa bahay,” pakli ng actress/TV host.

Kaya hindi na muna siya tumatanggap kahit guestings lang dahil gusto niyang nakakasama lagi si Baby Tali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit si Bossing Vic ay tuwang-tuwang kinukuwento sa amin na OA na raw sa kakulitan ang anak niya.

“Ayaw magpakarga. Gusto niya, ilapag mo lang siya. Akala mo naman, kaya niya. Maya-maya nadadapa.

“Pero hindi naman siya iyung nakakainis na kulit. Nakakatuwa naman,” nakangiting kuwento ni Bossing Vic.

NOEL FERRER: No need to explain. Pero OK na rin ang pagtatama for accuracy.

Tanggap na ngayon ang malaking agwat ng edad sa mag-partner.

Love is love is love.

Beyond gender nga, di ba? Beyond age!!!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close