Ricky Davao, may panawagan para sa sambayanang Pilipino

IMAGE Jerry Olea
Director Ricky Davao hopes to encourage mindfulness and discipline among his fellow countrymen.

JERRY OLEA: “Hell has no fury like Brithany ghosted.”

Sa Cinemalaya 2019 full-length entry na F#*@bois, na-ghosting ni Ace (Royce Cabrera) si Brithany Gaile/Mayor (Ricky Davao).

Sa umpisa lang iyan ng kuwento. Sa kalagitnaang bahagi ng pelikula, andoon ang maseselang eksena. Sinabihan ni Direk Eduardo Roy Jr. si Ricky na nag-foot spa sina Royce at Kokoy de Santos bago ang kanilang menage a trois.

Sa guesting ni Ricky nitong Agosto 10, Sabado nang gabi sa Radyo Inquirer program na Level-Up Saturdate with Noel Ferrer, inamin niyang nailang siya sa ari-arian nina Royce at Kokoy na nakahambalang malapit sa kanyang mukha.

Sa pagtatapos ng programa, inurirat si Ricky kung anu-ano ang kanyang wish.

Tugon ng beteranong aktor, gusto na niyang makapagdirek ng pelikula. Matagal-tagal na kasi siyang nagdidirek sa TV.

“Sana, makahanap ako ng right producer siguro, and tuloy pa rin akong maging artista,” Ricky answers candidly.

“Iyon... ahh... world peace.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mawala yung trapik sa EDSA, di ba? Yung ano naman, gusto ko lang i-share, sana... maging ano tayo, magkaroon tayo ng mindfulness.

“Meaning, huwag nating isipin ang sarili lang natin. Lahat naman tayo, may trabaho. Lahat naman tayo, may kailangang gawin.

“Pero huwag tayong mag-unahan. Magbigayan naman tayo. I think, iyon ang malaking-malaking problema nating mga Pilipino.

“Dapat magkaroon tayo ng mindfulness. ‘Hindi ko itatapon ang basurang ito, kasi, makakadistorbo sa ibang tao.’ You know, nagsusyuting kami sa Palawan, sa Puerto Princesa. Nakita ko, ang daming mga bata, kumain.

“Pag-alis nila, walang basura.

“So, kami, nakakahiya rin. Tuwing umuuwi kami ng hotel namin after shooting, puro basura iyong bulsa namin. Puwede palang gawin!

“At nagagawa sa Marikina. Nagagawa na sa Manila. Kaya sana, bilang mga community, magtulungan tayo.

“Mindfulness lang, di ba? Discipline.”

NOEL FERRER: Namangha ako sa commitment ni Ricky Davao sa kanyang artistry. Basta magandang materyal at tunay na mapanghamon, hindi niya ito pinakakawalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kagabi, maganda rin ang testimonial ng kanyang mga kaibigang direktor na sina Carlitos Siguion-Reyna, Bibeth Orteza at Eduardo Roy pati na ang touching message ng kanyang anak na si Ara.

Nakakamangha ang husay at buti ni Ricky Davao kaya lahat ay umaasa na mabiyayaan siya ng isa pang pagkilala mamayang gabi sa Cinemalaya!

Sana talaga... para sabay-sabay tayong papalakpak and in his own line in the movie, “Parteeeh! Parteeeh!!!”

GORGY RULA: Dapat talagang magdirek na si Ricky ng pelikula dahil doon mo makikita ang gusto niyang gawin.

Sa soap kasi, alam mong may formula silang sinusunod sa gustong subaybayan ng televiewers.

Sana, meron na siyang sisimulan kahit hindi na natin hintayin ang susunod pang Cinemalaya o ano mang indie film festival.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close