JERRY OLEA: Lumampas na sa P400M-mark ang pelikulang Hello, Love, Goodbye nitong nakaraang Sabado, Agosto 10, as of 1:00 PM.
Nasa ikalawang weekend na ang magandang pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, at patuloy itong rumaratsada sa takilya.
Sa Agosto 14, tatlong Pinoy films ang ipapalabas nationwide—ang Cinemalaya 2019 entries na Malamaya (Sunshine Cruz & Enzo Pineda), Belle Douleur (Mylene Dizon), at ang And Ai, Thank You (Ai-Ai de las Alas, Rufa Mae Quinto & Kakai Bautista).
Makakalaban nila ang live-action movie ni Dora the Explorer, ang exciting na Dora and the Lost City of Gold.
Magkakalapit ang showing ng tatlong pelikula ni Kakai—Family History na nag-open noong Hulyo 24; Hello, Love, Goodbye na nag-open noong Hulyo 31; at ito ngang And Ai, Thank You na mag-o-open sa Agosto 14.
Ang Malamaya ay mag-o-open sa 17 sinehan. Ang Belle ay mag-o-open sa 104 sinehan—39 sinehan sa Metro Manila, 65 sa mga probinsya.
Wala pa akong nasagap na tsika kung ilan ang mga sinehan ng And Ai, Thank You, maging ng Dora and the Lost City of Gold.
Itong And Ai, Thank You ang ikatlong movie na pinagbibidahan ni Ai-Ai na palabas within four months. Mayo 8 nag-open ang Sons of Nanay Sabel niya with Ex-Battalion, na sinundan noong Hunyo 19 ng Feelennial with Bayani Agbayani.
GORGY RULA: Ang inaabangan ngayon ay kung malalagpasan pa ng Hello, Love, Goodbye ang The Hows of Us.
Sa totoo lang, wala tayong ine-expect sa mga susunod na pelikulang ipalalabas.
Palabas na pala sa Netflix ang Sons of Nanay Sabel.
Medyo nahilo ako nang pinanood ko ito kagabi.
NOEL FERRER: Katulad ng sinabi ng taga-Star Cinema, it’s not a race.
It’s about telling unique Filipino stories with the heart to the world And Ai, Thank You!
Good luck!