John Denver Trending, humakot ng awards sa Cinemalaya 2019

IMAGE Jerry Olea
Cinemalaya 2019 winners: Ruby Ruiz, best actress for Iska; Jansen Magpusao, best actor for John Denver Trending; and Ricky Davao, best supporting actor for Fuccbois.

JERRY OLEA: John Denver Winning!

Nakaanim na parangal ang John Denver Trending sa awards night ng 15th Cinemalaya indie filmfest nitong Agosto 11, Linggo, sa CCP Main Theater.

Wagi ito bilang best film, Netpac Jury Prize, best actor (Jansen Magpusao), best cinematography, best editing, at best original score.

Si Louise Abuel (Edward) ang bet kong mag-best actor, pero napaluha ako sa tuwa nang tawagin ang pangalan ni Jansen.

Tatlo ang awards ng Iska—best actress (Ruby Ruiz), best sound design, at best screenplay.

“Nakuha sa dasal!” sambit ni Ruby.

Nakatatlo ring parangal ang Edward—Special Jury Prize, best supporting actress (Ella Cruz) at best production design.

Waley si Ella!

Dalawa ang award ng F#*@bois — best director (Eduardo Roy Jr.) at best supporting actor (Ricky Davao).

Masigabo ang palakpakan nang i-announce ang pangalan ni Ricky.

Audience Choice Award ang Belle Douleur.

Ngangey ang Ani, Tabon, Malamaya, Children of the River, at Pandanggo sa Hukay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOEL FERRER: Masaya ang audience sa choices ng Jury.

Sa scriptwriting workshop ni Ricky Lee, dalawa sa kaklase namin ang nagwagi—sina Shai (short films) at Sheron Dayoc (producer ng John Denver Trending).

Pawang sentimental choices ang mga nanalo kaya Hurrah For The Underdogs!

Ang tanong ng mga tao sa CCP Main Theater, nasaan si Ella Cruz (best supporting actress para sa Edward)?

Sayang! It could have been her time to shine!!!

GORGY RULA: Tumama ang mga hula kong mananalo. Yun din ang mga gusto kong manalo.

Pero totoo ba yung narinig kong kaya hindi nakarating si Ella Cruz ay dahil hindi raw niya alam na kagabi pala ang awards night?

Hindi man lang siya na-remind ng handler niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ella Cruz and Louise Abuel in Edward

Congratulations sa lahat ng winners!

Sa ibang gusto pang mapanood ang ilang Cinemalaya movies, abangan niyo na lang schedule ng screening nito sa UP Film Center.

Sana mabigyan din ng chance na mapanood ang mga ito sa commercial theaters.

So far, ang Belle Douleur at Malamaya pa lang ang naka-schedule na mapanood sa mga sinehan sa Miyerkules, August 14.

JERRY OLEA: Hindi binanggit ang nominees sa bawat category. Inia-announce agad ang bawat winner.

Sina Paolo Paraiso at Ina Feleo ang nag-host ng awards night.

Inihayag ni Direk Mel Chionglo ang 10 full-length films na magtatagisan sa 16th Cinemalaya filmfest next year.

Kabilang dito ang Ang Halimaw (Manny Palo), Angkas (Rainerio Yamson II), Bakit Di Mo Sabihin (Real Florido), Bula sa Langit (Sheenly Vee Gener), Dalagita sa Likod ng Pawikan (Paul Sta. Ana), Kargo (TM Malones), Kathoey (Joris Fernandez & Paolo Valconcha), Parole (Briliant Juan), Rhino Girl (Jav Velasco), at Seperate/Separate (David Corpuz).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa closing remarks ng festival director na si G. Chris Millado, sinabi niya na nagtapos man ang Cinemalaya 2029 ay tuluy-tuloy ang film festival fever—Pista ng Pelikulang Pilipino sa Setyembre, QCinema sa Oktubre, Cinema One Originals sa Nobyembre, at Metro Manila Film Festival sa Disyembre.

“What a way to celebrate 100 Years of Philippine Cinema! Mabuhay ang Pelikulang Pilipino!” bulalas pa ni G. Millado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close