Kathryn-Alden movie, lagpas P500M na ang domestic box-office gross

IMAGE @leysam17 / @aldenrichards02 Instagram
Sa third week of showing ng Hello, Love, Goodbye, ipapalabas ang bagong Pinoy films na Belle Douleur; Malamaya; And Ai, Thank You; at Dora and the Lost City of Gold.

JERRY OLEA: Naka-PHP505.8 million na ang domestic gross ng Hello, Love, Goodbye as of August 12, Monday, 1:00 p.m.

Ibig sabihin ng "domestic gross," sa Pilipinas lang. Hindi kasali ang kita ng movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa international screenings.

Iyong avid fans ng pelikula nina Nadine Lustre at Sam Concepcion, ipinaglalaban ang #JusticeForIndak.

Pakaunti nang pakaunti kasi ang mga sinehan ng Indak.

Ang mga pelikula ng Cinemalaya 2019, extended ng dalawang araw sa Vista Cinemas.

Inihayag iyan ng festival director na si G. Chris Millado sa awards night ng 15th Cinemalaya noong Agosto 11, Linggo, sa Cultural Center of The Philippines Main Theater.

Aniya, sa dami ng nanonood ng Cinemalaya entries sa isang Vista mall, nagdagdag ito ng isang sinehan at pinalitan ang isang foreign movie na palabas doon.

Dapat ay hanggang bukas, Agosto 13, Martes na lang doon ang Cinemalaya entries.

Mapapanood ang mga iyon hanggang Huwebes, August 15.

Sa Agosto 14, Miyerkules, mag-uumpisa ang commercial run ng Cinemalaya entries na Belle Douleur at Malamaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasabay nito ang opening ng And Ai, Thank You at Dora and the Lost City of Gold.

NOEL FERRER: Masuwerte ang Hello, Love, Goodbye dahil natapat ang showing nito sa maraming holidays at cancellation ng pasok.

At base sa mga kakilala lang na nanood na, grabe ang repeat audience nito.

Nakukumpara tuloy sa lower than PHP1M na kinita ng Indak noong opening day (Agosto 7, Miyerkules) nito.

Sana, the other Filipino films showing this week will do better. Sana talaga!!!

GORGY RULA: Ang latest na nabalitaan ko, gustong makipag-meeting ng mga fans club ng KathNiel.

Hihingi na sila ng pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Baka kasi maisipan pa raw ng ABS-CBN Star Cinema na unahing gumawa ng part two ng Hello, Love, Goodbye, e.

Nasa tamang panahon na raw na masundan nina Daniel at Kathryn ang The Hows of Us.

Sina Alden Richards at Maine Mendoza kaya, may posibilidad pang magsama sa isang pelikula?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close