Tambalang Yen Santos at Rafael Rosell sa MMK, makakatapat si Joyce Ching sa Magpakailanman

IMAGE @mmkofficial Instagram / GMA Network Youtube
Finding "The One" ang kuwento sa MMK, habang magkapatid na may kakaibang bone disease ang tampok sa Magpakailanman ngayong August 17.

JERRY OLEA: Ayon sa Kantar Media, nagkamit ng new record high na 32.4% national TV rating ang Maalaala Mo Kaya (MMK) noong Agosto 10, Sabado.

Bida sa episode si Xian Lim bilang pulis na nagpapahalaga sa karapatan ng mga kabataan.

Tampok naman sina Yen Santos at Rafael Rosell sa nakakakilig na episode ng MMK sa Agosto 17, Sabado, 8:30 P.M., pagkatapos ng The Voice Kids Season 4 sa ABS-CBN.

Kapag usapang pag-ibig, paano mo nga ba malalamang siya na ang "The One"?

Sa Magpakailanman ng GMA-7, matutunghayan si Joyce Ching bilang Blissie, na may kakaibang sakit sa buto na kung tawagin ay Osteogenesis Imperfecta.

Patuloy ang pagrupok ng mga buto ni Blissie, na pumipigil sa kanyang paglaki.

Co-stars ni Joyce sa episode na ito sina Vivian Foz at Ariosto Reyes Jr.

NOEL FERRER: Sana patuloy pa rin sila sa pag-set ng record ng magagandang paglalahad ng kuwento.

Sa mga weekly drama program kasi, itong MMK at Magpakailanman ang major binubusisi, with more taping days than the usual.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At least, nakikita ang magandang epekto ng hindi tinipid na production. Mabuhay sila pareho.

GORGY RULA: Mataas nga ang MMK noong nakaraang Sabado.

Ayon sa AGB NUTAM, naka-13.4% ang MMK episode ni Xian Lim, kontra sa 9.6% ng Magpakailanman episode nina Liezel Lopez at Marco Alcaraz.

Matagal nang pinu-promote ni Xian sa Instagram itong episode niya sa MMK.

Mas OK yatang balik-focus muna siya sa pag-aartista at saka na niya balikan ang pagdidirek.

Maaaring marami ang curious sa sakit na tatalakayin sa Magpakailanman. Tingnan na lang natin kung kayang gampanan ito ni Joyce Ching.

Ang nakakamangha na lakas sa mga manonood ay itong pagsisimula ng The Voice Kids.

Iba talaga kapag mga bata ang tampok sa isang programa. Pero kahit paano, lumalaban ang StarStruck Season 7 lalo na ngayong walong finalists na lang ang natitira.

Abangan na rin sa Sabado ang artista test na pagdadaanan ng walong StarStruck hopefuls kasama ang special guest nilang si Rhian Ramos under the direction of Rico Gutierrez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close