Ruru Madrid, inaming may nagmamay-ari ng kanyang puso

by PEP Troika
Aug 16, 2019
Ruru Madrid hints at relationship status: "Gusto ko pong sabihin sa mga tao na itong babaeng ito ay mahal ko."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA: Inilunsad sa media ang bagong single ni Ruru Madrid na "Nawawala" nitong Agosto 16, Biyernes, sa Ethan’s Café, Quezon City.

Isa sa unang tanong sa kanya ay bakit single pa lang ang ibinigay sa kanya ng GMA Music at hindi album.

"Single po kasi ako," pabiro niyang sagot sa amin.

Excited si Ruru sa bago niyang single.

Proud niyang ikinuwento sa amin na 20 minutes lang niya na-record ang kanta dahil naka-relate siya at madaling sabayan.

"Itong 'Nawawala' ay saktung-sakto dahil maraming hugot," pakli ng 21-year-old Kapuso actor.

Pero nang sinundan namin ng tanong kung saan ba siya humuhugot sa kanta niyang iyon, safe na ang sagot ni Ruru, na obvious na iniiwasan pag-usapan ang tungkol sa love life niya.

Para raw kay Ruru, pagdating sa love life, mas gusto niyang tahimik lang at hindi na i-open sa lahat para hindi na maapektuhan ang isang relasyon.

Walang binanggit na personalidad si Ruru, pero nagpahiwatig siyang mayroon nang nagmamay-ari ng kanyang puso.

Continue reading below ↓

"Gusto ko pong sabihin sa mga tao na itong babaeng ito ay mahal ko.

"Kaya lang, ang nagiging problema po kasi ay masyado na po kasi siyang nagiging public property.

"I mean, bawat kilos ninyo, pag nag-aaway kayo, alam na alam na ng mga tao, o kung saan kayo magpunta.

"Feeling ko po, iyong mga ganoon pong bagay, dapat po, pinipersonal po iyon."

Proud daw si Ruru sa babaeng minamahal niya, pero hindi raw kinakailangang magdetalye pa siya ukol dito.

"Dapat, hindi masyadong… iyong hindi kayo hawak ng maraming tao. Kasi minsan, iyon din ang nagku-cause ng away, e.

"Kumbaga, iyong mga ganung kasing bagay is personal masyado.

"Mas mag-e-enjoy kayo pag kayong dalawa lang," makahulugang pahayag ni Ruru.

Siniguro ni Ruru na masaya raw siya ngayon sa lahat na aspeto ng kanyang buhay niya at nakadagdag blessing daw itong bago niyang single.

Ini-launch na rin sa Facebook at ilang digital platforms ang music video ng "Nawawala" na idinirek ni Miggy Tanchanco.

Continue reading below ↓

Inspired din si Ruru sa music video na ginawa niya, at noong shinoot nila ito, naiiyak na raw siya kaagad.

Puwede nang i-check at i-download ang kanta niyang "Nawawala" sa Spotify at Apple Music.

JERRY OLEA: Batid ng showbiz insiders kung sinong young actress ang pinakamalapit sa puso ni Ruru.

Busy ang young actress sa pinagbibidahang TV show, kaya madalas na "nawawala" ito sa piling ni Ruru.

I wonder, makaka-relate kaya sina Bea Alonzo at Gerald Anderson sa hugot song na ito?

NOEL FERRER: I have always believed in the various talents of Ruru Madrid.

Given the right moves, mas malayo pa ang puwede niyang marating.

Nami-miss ko tuloy si Direk Maryo J. de los Reyes na gumabay sa kanya.

I will always be supportive of him, and he knows that.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruru Madrid hints at relationship status: "Gusto ko pong sabihin sa mga tao na itong babaeng ito ay mahal ko."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results