JERRY OLEA: Hulyo 10, Miyerkules inihayag ng MMFF 2019 ExeComm ang first four entries ng MMFF 2019.
Base ang mga ito sa script, at magkakaiba ang genre ng mga ito—family comedy na Mission Unstapabol: The Don Identity nina Vic Sotto & Maine Mendoza, fantasy na Mommaland nina Vice Ganda & Anne Curtis, family drama na Miracle in Cell #7 nina Aga Muhlach & Nadine Lustre, at horror na (K)ampon nina Derek Ramsay at Kris Aquino.
Hulyo 15, Lunes, lumiham si Vincent del Rosario (President & CEO ng Viva Communications, Inc.) sa MMFF ExeComm, na nagre-request ng change of casting ng entry nilang Miracle in Cell #7.
Ipinaliwanag sa liham kung bakit ipinalit si Bela Padilla kay Nadine Lustre sa cast ng pelikula.
Hulyo 25, Huwebes, inihayag na magkakaroon na ng Metro Manila Summer Film Festival na mag-uumpisa sa Black Saturday 2020.
Ini-announce din doon na pinayagan ng MMFF ExeComm ang request ng Viva na ipalit si Bela kay Nadine sa MMFF 2019 movie ni Aga.
Hulyo 30, Martes, deadline sa pagpapalit ng casting ng first four MMFF 2019 entries.
Agosto 2, Biyernes, nag-back out si Derek sa (K)ampon.
Agosto 3, Sabado, kinausap ni Atty. Joji Alonso (producer ng Quantum Films) si Kris kaugnay sa pag-back out ni Derek. Nag-reach out sila kay Gabby Concepcion through his manager Popoy Caritativo.
Agosto 4, Linggo, nag-YES si Gabby.
Agosto 5, Lunes, sumulat ang Quantum sa MMFF ExeComm kaugnay sa pagpapalit ng casting.
Agosto 16, Biyernes nang gabi, tulala si Kris at inihayag sa Instagram & Facebook, “...bukod sa hindi tuloy ang isang project na ginusto ko talaga, may ilang milyon din na sagutin kami sa MMFF bond, prod staff, crew, and artists...
“No blame game, but to clear my name, I was concerned about shooting until we had the approval of the MMFF rules committee, but I wasn’t producer in charge...
“As I said, #lessonslearned.”
GORGY RULA: Kanina ko pa tinext ang producer ng Quantum na si Atty. Joji Alonso kung ano ang plano nila, pero wala pa rin siyang sagot hanggang ngayon.
Naintindihan ko ang katahimikan niya.
Pero bago ka pa magtanong, nasagot na lahat ni Kris.
Bukod sa inilabas niya kahapon ang desisyon ng MMFF, patuloy pa rin ang emote niya kaugnay sa nangyari sa (K)Ampon at ang pagbabalik sana niya sa pag-arte.
Sabi pa niya sa isang IG post, “I have read the suggestions na mag-appeal, pinalaki po akong may DELICADEZA, 2 members of the executive committee are friends, 1 is one of my closest friends—kaya hindi ko magawa…”
May iba pa siyang post kaugnay sa nangyari ng entry nila sa MMFF.
Ang dating ng mga post niyang iyun ay hindi na ito itutuloy sa December filmfest.
Pero si Atty. Joji pa rin ang tinatanong ko kung ano na ang plano nila dahil sabi ni Kris, ang Quantum producer ang in charge sa production.
Sakaling ibabalik nila si Derek, pasok sila uli? O sakaling ituloy pa rin nila na si Gabby na ang leading man at i-submit na lang sa finished film, puwede pa naman iyun, di ba?
Hinihintay ko pa rin ang sagot ni Atty Joji sa unang tanong ko sa kanya.
Kaya bilang bahagi ka rin ng MMFF, Sir Noel, ano na ba ang masasabi rito ng Executive Committee?
Posible pa ba kaya silang mag-apela? Kahit ang dami nang hanash ni Kris sa IG?
NOEL FERRER: The MMFF Execom meeting happened last Friday afternoon and the official correspondence about the decision will still be sent to the concerned producers of (K)Ampon by August 19, Monday.