"I love Joshua" statement ni Julia Barretto, pang-damage control para sa pelikula nila?

by PEP Troika
Aug 17, 2019
Ito ba talaga ang nilalaman ng puso ni Julia Barretto: "I love Joshua. I love that guy. I will love that guy until my last breath."
PHOTO/S: CTTO via @kapamilyatfc Instagram

JERRY OLEA: Agosto 15, Huwebes, lumabas sa Twitter ang interbyu ng ABS-CBN Hollywood correspondent na si Yong Chavez kay Julia Barretto.

Sabi ng 22-anyos na aktres, “I love Joshua [Garcia]. I love that guy. I will love that guy until my last breath.”

Bakit?

“Very supportive and very understanding of so many things, and the guy knows me really well.

“So whatever happens in life, the guy knows me really well.

“He knows my heart.”

Pan-damage control ba ito, alang-alang sa forthcoming zombie movie nilang BlockZ?

Nangyari ang interbyu noong Agosto 3, Sabado, sa backstage ng ASAP Natin ‘To Bay Area sa SAP Center, San Jose, California, USA.

Ibig sabihin... hindi pa nagaganap noon ang after-party, kung saan mag-isa si Joshua na kumain, at sinamahan ito kapagkuwan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Nauna ang nasabing interbyu, kesa sa tweets ni Julia na, “I did not leave Joshua alone. He opted & requested to be left alone. He asked to eat & mingle alone.

Continue reading below ↓

“Why are all these fingers being pointed at me YET AGAIN? Bakit na naman siya kawawa sa naging choice and decision niya, and bakit kasalanan ko pa to? Wala kumakawawa sa kanya.

“Masyado nageenjoy tao gawin kawawa si Joshua sa lahat ng bagay, kahit wala na connection sa kahit na ano. May magawa lang na story.

“Trust me, the guy is ok. He enjoyed himself last night. Wala sila lahat alam. Wait lang kayo.”

Hindi nagtagal ang pagwe-wait natin, at pasabog kapagkuwan ang Instagram posts ni Julia laban kay Bea Alonzo.

GORGY RULA: Parang napakabata pa ni Julia para sabihin niya iyan.

Ang dami pang mababago. Huwag pakasisiguro sa lahat na lumalabas sa bibig niya.

Sabihin na lang niya kung ano talaga ang nasa puso niya.

Isa naman siyang Barretto, magpakatotoo lang siya.

NOEL FERRER: Magaling talagang aktres si Julia.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ito ba talaga ang nilalaman ng puso ni Julia Barretto: "I love Joshua. I love that guy. I will love that guy until my last breath."
PHOTO/S: CTTO via @kapamilyatfc Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results