Klyza Castro ng Davao, kinoronahang Mutya Pilipinas-Asia Pacific International 2019

by PEP Troika
Aug 19, 2019
Meet the newly-crowned Mutya Pilipinas 2019 beauty queens: Maxinne Nicole Rangel (second runner-up), Louise Janica Arroyo An (Miss Overseas Communities), April Short (World Top Model Philippines), Klyza Castro (Asia Pacific International), Tyra Goldman (Tourism International), and Cyrille Payumo (first runner-up).
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA: Maraming nanood sa 51st edition ng Mutya Pilipinas (dating Mutya ng Pilipinas) nitong Agosto 18, Linggo, sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City.

Palakasan ng hiyaw at tili ang mga “pala” (taga-palakpak) sa kani-kanilang manok. May mga pa-whistle, pa-tarpaulin, at pagwawagayway ng pangalan ng candidates.

Kaso, mangilan-ngilan lang ang pumalakpak sa farewell walk ni Sharifa Akeel, na bonggang-bongga pa naman ang golden gown bilang Miss Asia Pacific International 2018.

Tahimik lang ang audience sa pagrampa ng apat pang Mutya 2018 beauty queens.

At any rate, kinoronahan si Klyza Castro (candidate #23, tubong-Davao City) bilang Mutya Pilipinas 2019 Asia Pacific International.

PHP200,000 ang katumbas ng kanyang title. Wala siyang nakuhang special award.

Nasungkit ni April Short (candidate #20, mula sa Zamboanga City) ang korona ng Mutya Pilipinas 2019 World Top Model Philippines, na kaakibat ang cash prize na PHP175,000.

Kanya rin ang special award na Miss Organique.

Nakamit ni Tyra Goldman (candidate #17, kinatawan ng Filipino community sa Las Vegas, Nevada) ang title na Mutya Pilipinas 2019 Tourism International.

Continue reading below ↓

Ang cash prize niya ay PHP125,000. Wala rin siyang special award.

Natamo ni Louise Janica Arroyo An (candidate #8, representative ng Filipino community sa California) ang title na Mutya Pilipinas 2019 Miss Overseas Communities.

Ang cash prize niya ay PHP50,000. Nganga rin siya sa special awards.

First runner-up si Cyrille Payumo (candidate #19, tubong-Pampanga), na Best in Evening Gown, Miss Cebu Landmasters, at Miss Prime Group of Companies.

Second runner-up si Maxinne Nicole Rangel (candidate #32, tubong-Padre Garcia, Batangas).

People’s Choice (online voting) si Maxinne kaya pasok agad siya sa Top 12. Itinanghal din siyang Best in Swimsuit at Miss Echolac.

NOEL FERRER: Napanood ko sa telebisyon ang Mutya Pilipinas 2019, hosted by Matteo Guidicelli.

Sinubukan ng 51st Mutya pageant na mag-level up kumpara sa dati.

Pero kung ang pagbabasehan ay ang Binibining Pilipinas at kahit ang Miss Earth, medyo kailangan pa nito ng kaunting sophistication. Parang it’s a tie sila ng Miss World Philippines.

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Hindi ko ma-gets kung bakit may question sa Top 12 finalists bilang mutya ng kani-kanyang hometown.

Paano nila ma-promote ito nationally and internationally? Paano sasagutin ito ng mga kandidatang galing sa Filipino communities sa ibang bansa?

Maraming magagandang kandidata pero wala nang dating, dahil hindi aware ang karamihan sa international beauty competitions na sasalihan nila.

Mabuti pa ang Reyna ng Aliwan dahil alam mo nang niri-represent talaga nila ang bayang pinanggalingan nila at pinu-promote ang fiesta at tradisyon ng kani-kanyang bayan.

JERRY OLEA: Pinu-project ng Mutya Pilipinas ang imahe ng “Filipina with a social conscience.”

Guiding thrust ng organisasyon ang pagtulong sa pagpo-promote ng Tourism, Social Responsibility, Fashion, at Beauty pageantry.

Matapos ihayag ang Top 12, ang sabi ng host na si Matteo Guidicelli, “Now, for this year’s pageant, Mutya Pilipinas also hopes to be a platform to promote the hometowns of each candidate...”

Bawat isa sa Top 12 ay binigyan ng pagkakataong magbigay ng statement sa tanong na, “Being a hometown girl, what are the best qualities about your hometown, and how would you promote it nationally and internationally?”

Continue reading below ↓

Awkward ang sagot dito ng candidates mula sa Filipino communities ng California, New Jersey, at Nevada na pumasok sa Top 12.

Siyanga pala, ang Mutya Pilipinas winners ay lalaban sa international pageant events na Miss Asia Pacific International, World Top Model, Miss Tourism International, at Miss Tourism Queen of the Year.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Meet the newly-crowned Mutya Pilipinas 2019 beauty queens: Maxinne Nicole Rangel (second runner-up), Louise Janica Arroyo An (Miss Overseas Communities), April Short (World Top Model Philippines), Klyza Castro (Asia Pacific International), Tyra Goldman (Tourism International), and Cyrille Payumo (first runner-up).
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results