X-Rated movie sa Pilipinas, ipalalabas sa Netflix

by PEP Troika
Aug 20, 2019
Willem Dafoe as Jesus Christ and Barbara Hershey in The Last Temptation of Christ.

JERRY OLEA: Recently added sa Netflix ang pelikulang The Last Temptation of Christ (1988), na idinirek ni Martin Scorsese.

Rated X ito ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), noong panahon na si Manoling Morato ang chairman ng nasabing ahensiya.

Napanood ko sa laser disc ang kontrobersiyal na pelikula noong early '90s, at noong early years ng bagong milenya ay naglipana na ang pirated DVD nito sa Quiapo.

Wish ko lang na mag-streaming din sa Netflix o iFlix ang mga makabuluhang pelikulang Pinoy na rated X ng MTRCB, gaya ng Aurora (Rosanna Roces, Sid Lucero, Kristoffer King) at Chassis (Jodi Sta. Maria, Paolo Rivero) na parehong idinirek ni Adolf Alix Jr.

Sa panahon ng pamamayagpag ng internet, nabago ang entertainment landscape.

May nagtatanong kung relevant pa ang MTRCB.

Lumulutang tuloy ang tsismis na zero ang budget nito mula sa gobyerno.

NOEL FERRER: Kausap ng PEP Troika ang kaibigan nating MTRCB Chair na si Rachel Arenas nitong Agosto 19, Lunes.

Continue reading below ↓

Ang sabi niya sa bali-balitang zero budget ng MTRCB, “Can I just say... There is no truth to that.” Iyon na ang kanyang pagkaklaro sa isyu!

Alam natin na kayang-kaya ng kaibigang Rachel ang budget ng departamento, pero marami silang gawain na kapaki-pakinabang sa ating industriya.

GORGY RULA: Hindi lang ako tiyak kung sa panunungkulan ni Senator Grace Poe o Atty. Toto Villareal naging isyu rin ang zero budget para sa naturang ahensiya.

Kaya makakatulong ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa mga ganitong usapin.

Samantala, bukod sa Netflix at iFlix, may isa pa palang bagong streaming company ang ilu-launch na rin sa bansa.

Hindi kaya lalong maapektuhan nito ang mga pelikula nating ipinapalabas sa mga sinehan?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willem Dafoe as Jesus Christ and Barbara Hershey in The Last Temptation of Christ.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results