JK Labajo, bantay-sarado kay Maureen Wroblewitz sa birthday party ni Mother Lily

by PEP Troika
Aug 20, 2019
JK Labajo, isang buong gabing nakabakod kay Maureen Wroblewitz!
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA: Obvious na merong namamagitan kina JK Labajo at Asia’s Next Top Model Maureen Wroblewitz.

Magkasama silang dumating sa celebrity premiere ng pelikulang Mina-Anud nitong Agosto 19, Lunes, sa Greenhills Theater sa San Juan City.

Pagkatapos ng screening, tumuloy sila sa 38 Valencia Events Place kung saan doon isinilebreyt ang 80th birthday ni Mother Lily Monteverde.

Mukhang nakabakod talaga si JK sa model at dating Eat Bulaga Dabarkads na kahit mag-CR ito ay nakabantay siya sa labas.

Sabi lang ni JK, hindi niya alam na sa birthday party pala ni Mother Lily ang pupuntahan niya.

Basta isinama lang daw siya para mag-bodyguard kay Maureen.

Open daw ang schedule niya kahapon kaya OK lang.

Hindi klaro ang mga sagot ni JK kapag tinatanong tungkol sa kung ang namamagitan sa kanilang dalawa.

Sabi naman ni Maureen, “We just wanna keep things private. I don’t want to be all over, e.”

Sinundan na rin namin ng tanong na madalas silang nakikitang magkasama, at sila pa ang magkasamang nagbakasyon sa Boracay, kaya parang ganun na ang ibig sabihin nun.

Continue reading below ↓

“Yeah. Of course,” sagot ni Maureen.

Ngayon ay may inaayos na ang Reality Entertainment na isang movie project na pagbibidahan ni Maureen.

Tinanong na rin namin kung OK lang ba sa kanya na si JK ang maka-partner niya.

“Of course. He’s a great actor,” pakli ni Maureen.

Ang isa kasi nababalitaan ng PEP Troika ay nagpapapayat ngayon si JK dahil gusto niyasiya ng ang makakatambal ni Maureen.

Bagay kaya sila, mga Ka-Troika?

JERRY OLEA: Si Maureen ang “Buwan” ni JK, as in itinitibok ng kanyang puso, isinisigaw ng kanyang damdamin.

Ang kanilang tandem, parang Hello, Young Lovers (1981) na pinagbidahan nina Snooky Serna at Gabby Concepcion, sa direksiyon ni Lino Brocka!

Ay! Baka maging Hello, Young Love, Goodbye ang peg?!

NOEL FERRER: Inaabangan ang pagsabak ni JK sa Pinoy Playlist ngayong taong ito.

Isama kaya niya roon si Maureen?

Teka, bakit nga pala nawala si Maureen sa Eat Bulaga?

Sayang ang masa-connect dapat niya roon, di ba?

Continue reading below ↓

Oh well, sana positive ang effect nina JK at Maureen sa isa’t isa.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JK Labajo, isang buong gabing nakabakod kay Maureen Wroblewitz!
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results