Former Kaluskos Musmos mainstay, nangangailangan ng tulong

by PEP Troika
Aug 22, 2019
Si Jayboy Samson ay dating cast member ng kiddie gag show na Kaluskos Musmos at naging EP ng GMA-7 sitcom na Ober Da Bakod.

NOEL FERRER: May isang kapanabayan sina Maricel Soriano, Herbert Bautista, Maila Gumila, Sharon Manabat, at iba pang kasama sa Kaluskos Musmos ang nangangailangan ng tulong.

Siya si Jayboy Samson, ang malusog na bata na laging nagko-comment ng “Boba!”

I remember him to have been part of Viva and Ober Da Bakod.

Jayboy has congestive heart failure, and his heart does not pump well to exchange blood, that’s why he retains water in his body and in his heart.

Last year, he suffered a heart attack and underwent a coronary artery bypass grafting (CABG) procedure.

Na-quadruple bypass daw siya earlier this year.

Ngayon naman, he needs another procedure, angioplasty, and his family hardly recovered sa expenses ng previous procedure.

Jayboy’s condition has worsened in recent weeks. Nahihirapan daw siyang maglakad at may shortness of breath din.

Inabot ko pa si Jayboy sa Ateneo noong college.

May initiative na ang batchmates ni Jayboy from school.

Continue reading below ↓

Umaasa ang pamilya at kaibigan niyang makatulong ang mga ka-close niya sa ating industriya.

Cast of Kaluskos Musmos

JERRY OLEA: Nagulat ang isang malapit na kaibigan at dating housemate ni Jayboy nang kumustahin ko sa kanya ang kalagayan ng dating manager nina Nanette Medved at Ruby Rodriguez.

Aniya, “Lagi kaming nagti-text ni Jayboy as in every day, wala naman siyang sinasabi.

Continue reading below ↓

“Akala ko, OK lang siya. Kung hindi ko pa tinanong dahil sa pangungumusta mo, hindi ko pa malalaman.

“Ganun si Jayboy. The first time na ma-bypass siya, hindi ko rin agad nalaman... kung hindi pa nag-post ang mutual friend namin sa FB na dumalaw sa kanya sa ospital.”

Pumayat si Jayboy dahil sa Bangkok pills, pero tumaba siyang muli.

We pray na malagpasan ni Jayboy ang pagsubok na ito.

GORGY RULA: Naging kaibigan ko si Jayboy noong EP pa siya ng Ober Da Bakod sa GMA-7.

Pati ang ilang classmates niya sa Ateneo de Manila University ay kaibigan ko rin.

Kaya kaagad na ikinalat ang pangangalap ng tulong ng mga dati niyang classmates na karamihan ay nasa Amerika na.

Ipinarating ko na kay Nanette Medved through Kuya Boy Abunda kung meron siyang gustong ibigay na tulong.

Idinaan ko na rin kay Pauleen Luna ang mensahe para kay Rudy Rodriguez, dahil alam kong magkaibigan pa rin sila ni Jayboy.

Continue reading below ↓

Maraming nagpaabot ng tulong, at sana malagpasan ng dating komedyante itong pinagdadaanan niya ngayon.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Jayboy Samson ay dating cast member ng kiddie gag show na Kaluskos Musmos at naging EP ng GMA-7 sitcom na Ober Da Bakod.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results